Si Urbana cay Feliza.—MANILA....
FELIZA: Ang marunong maquipagcapua tauo, saan saan ma,i, pinacamamahal, at isang tandang pinagcacaquilanlan, na may pinagaralang bait. Sa paquiquipagusap nang isang pinagpupunoan sa caniyang puno, ay di lubhang maquiquilala ang marunong maquipagcapoua tauo, sapagca,t, sa tacot ó sa alang alang, ay nacapagpapangap nang mahal na asal na uala sa dibdib, n~guni,t, sa paquiquisama, ó sa paquiquipag-usap sa caniyang caparis, ay diyan naquiquilala ang marunong maquipagcapoua tauo, at ang hindi; ang may mahal na asal, ó asal Páhiná 43timaua, ang may tapat na loob, at ang lilo, ang may pinagaralang bait, at ang ualá, sapagca,t, ang uala ay capag nalin~gat, ay nailoloual ang laman nang puso dahil sa pagpalagayan nang loob.
Sa pagpapalagayan nang loob ay di na cailan~gan sundin ang man~ga ceremonias at cagalin~gang ucol sa man~ga puno; n~guni, bagay-bagay rin naman ang pagpapalagayan nang loob. Cung sumisinsay na sa matouid, na pinagcacadahilanang ipahayag sampo nang casalaulaan; ito,i, isang caasalang nauucol lamang sa tauong salát sa cabanalan at sa calinisan, caya malaqui man ang pagiibigan ay di dapat iloual ang boong nasa sa loob. May isa namang pagpapaquita nang loob na may halong pag-imbot, na di ang hinahan~gad ay ang tunay na pagiibigan, cun di ang siya,i, maquinabang sa tinatauag na caibigan. ¡Malupit na pagibig na laban sa mahal na asal! Ang man~ga caibigan ito ay maipaghahalimbaua sa alamid, na nagdaya sa ouac, na sinasalita sa Fábula: May isang ouac na nagnacao nang queso,i, napailanglang nang lipád at tumuntong sa san~gá nang mataas na cahoy. Nang maquita nang alamid ang queso sa bibig, ay binati nang boong galang at quinausap. Di macacailan, aniya na aquing narinig, na sa balita,i, di sucat na maniuala, n~gayon co natanto na ang sabing ito,i, may catotohanan. Di anhin ang sabi, icao, sacdal itim, mapanood quita,i, mauiuica cong maputi capa sa busilac: daig mo ang cisne talo mo ang yedra, at cun sa huni disin, ay dadaiguin mo ang man~ga ibon, para nang pagdaig mo sa culay nang balahibo, ay uiuicaing co, na icao ang hari nang lahat nang ibon. Sa ganitong puri ay napa-ilanglang ang isip nang ouac, pinagbuti Páhiná 44ang tayo, ipinamayagpag ang pacpác, at sinabayan nang huni, nabucsan ang tucá; nalaglag ang queso,i, quinain nang alamid. Sa ang ouac ay magcagayon, ay nagdalá nang malaquing hiya, at naquilala na siya,i, inaring ulol, at pinagdayaan nang alamid.
May pagpapalagayan nang loob, na bun~ga nang tapat na pagiibigan. Sasaysayin co Feliza, ang man~ga regla na dapat alinsunurin. Magbibigay luhód sa casama ó caibigan, pagbibigyang honor ó puri, n~guni ang pagbibigay ay tapat sa loob, at di paimbabao. Houag magnasaang pintuhoin at igalang nang caibigan cun di mamahalin, na para nang pagmamahal niya sa sarili. Hindi ang isa lamang ang magpapaquita nang loob, cun di capoua magpapaquitaan. Hindi maghahanapan nang cagalan~gang ucol sa naquiquilalang puno; datapoua,i, ibinabaual naman ang calapastan~ganan. Cun ang isa,i, naquiquitaan nang casiraan, ay dapat sabihin nang isa, nang banayad at mahusay na sabi, nang houag mapulaan ang caibigan; dapat naman tangapin nang pinagsasabihan ang magandang hatol nang nagtatapat loob sa caniya. Cun ang caibigan ay maquitaan nang cabaitan at tapat na loob ay pagsasangunian, at di naman dapat pagcaitan nang magandang hatol ang nunuhang sanguni. Cun ang isa,i, pinaguupasalaan, ay dapat ipagtangól nang nacaririnig na caibigan, ipahahayag ang caniyang cabutihan at nang houag masiraan nang puri. Maglilingcód at sasaclolo sa panahón nang caguipitan at casacunaan; sa catagang sabi,i, ang caibigan ay naquiquilala, sa bilangoan sa saquit at sa camatayan. Ang pagiibigan, ay isang caguilio-guilio na tanicalang guintó, na Páhiná 45tumatali sa dalauang pusó; n~guni,t, mahirap hanapin, at palibhasa,i, mahalagang tanicalá. Caiin~gat si Honesto sa pagiibigan, malasin cun sino ang pinagcacatiualaan nang caniyang puso; tingnan cun tapát na loob, mahal na asal, may pinagaralang bait, marunong sumaclolo sa arao nang panganib at cun maquita niya itong may man~ga halagang hiyas saca naman ipagcatiuala ang caniyang loob. N~guni, at cun sa bala na, ay maquiquipagibigan cun masaui sa palád na tumama nang malupit na asal, salat sa cabaitan, ualang hinahan~gad cun di ang sarili niyang paquinabang, ay mapapahamac ang canilang bunsó; masisira ang magandang asal na tinangap sa ating magulang, at matatapos ang cabaitang sa iyo,i, pinagaralan.
Papamihasahin mo naman ang caniyang puso sa paggaua nang magaling sa iba, n~guni, sa bagay na ito, iilagan ang pagimbót na siya,i, gantihin sa ipinautang na loob. Cun may gumauá nang magaling sa caniya ay pasasalamatan, quilanlin ang utang, at gumanti sa capanahonan, sapagca,t, isang capalamarahán, isang casiraan nang puri, ang di cumilala sa utang na loob. Adios, Feliza.—URBANA.