NANG PAQUIQUIPAGCAPOUA TAUO.
Si Urbana cay Feliza.—MANILA ...
FELIZA: Cun icao ay maquiquipaglipon, ay pagiisipin ang sariling calagayan ang sa quinacaharap, ang caniyang asal at caugalian, at ang lugar na pinaguusapan; cun ang lahat nang ito ay hindi limutin sa paquiquipagharap ay di masisinsay ó masinsay man ay munti lamang, sa man~ga cautusang guhit nang paquiquipagcapoua tauo. Caya magmula sa pagcabata hangang sa tumanda, ay magaral maquibagay sa capoua tauo at, bagayan naman ang lugar na pinaguusapan. Ang magagaua sa sarili, ay di maaari sa harap nang iba; ang mauiuica,t, magagaua sa bahay, ay di mababagay sa lansan~gan, at ang magagaua sa lansan~gan, ay di mababagay sa Simbahan. Caya sa paquiquipagcapoua tauo, ay isasaloob cun sino ang caniyang cacausapin, ang lugar na paguusapan, at cun ano ang ipaquiquipagusap, at ang lahat ay habagayan. Ang mabibigcas na sabi sa isang maalio na salitaan, ay di mababagay, sa pagpupulong sa namatayán: sa ibang sulat, Feliza, sasaysayin co sa iyo ang masamang caasalan na dapat ilagan sa bahay nang namatayan: at ang gagauin: ang mauiuica nang lalaqui ay umaan~gat sa babaye; ang bagay sa baguntao,i, di babagay sa dalaga; ang maigagayac nang bata ay di babagay sa matanda, sapagca,t, mauiuica, na ibig manaog sa baonan na batbat nang Páhiná 71yaman, hiyas at pamuti. Ang bumigcás nang salita na malayo sa pinaguusapan, ay nagaanyayang tauanan; caya ang tauo,i, maquiquibagay sa caniyang capoua, at ang caniyang gaua, quilos at pan~gun~gusap, ay pagbabagaybagayin at nang huag matauanan. Sa halimbaua, patutun~go sa bahay nang isang piguing, nagsasaya,t, tumangáp nang magandang capalaran, caran~galan ó catungculan, ay di nauucol magdamit nang marun~gis, magpaquita nang malumbay na muc-ha, sapagca,t, ang caniyang sadya ay ang pagbibigay nang en hora buena, ang cahuluga,i, ipahahayag ang quinacamtán niyang toua sa nabagong palad nang caniyang pinagsadya. Cun magpaquita nang calumbayan ay parang nagsasaysay na siya,i, nananaghili; caya ang quilos at pan~gun~gusap ay iisipin, na ibagay sa touang ipahahayág.
Ang tauong nagagalit ay houag aaglahiin, sa pagca,t, lalong magagalit. Ang bata,i, houag man~gan~garal sa matandá cun di may catungculan, at capoua man bata ay di sucat man~garal, cun inaacalang di mamatapatin. Cun man~gan~garal sa capoua tauo, ay babanayarin ang sabi, houag gagahasain, at itama sa oras na mamatamisin sa loob, at di ang sino ma,i, macapan~gan~garal sa caniyang capoua, cun di ang may carapatan, caya bagay-bagay ang man~gan~garal at inaaralan, at ibagay naman sa panaho,t, oras, sapagca,t, cun di magcabagaybagay, ay di macagagaling cun di macasasama ang bibitiuang aral. Ang sasalin nang pan~ginoon sa alila, ay iuucol sa caniyang pagcalagay; at nang siya,i, igalang; n~guni,t, di nauucol ang mahampalasan, ó magpaquita caya nang cagahasaang igalang cun di ang carapata,i, lumagay sa caniyang pagcaPáhiná 72lagay; di ang calupitan, cun di ang magandang loob ang ipaquiquita at nang pintohoi,t, mahalin. Houag lilimutin nang pan~ginoon, na ang caniyang alila,i, quinapál nang Dios, calarauan nang Dios, tinubós nang mahal na dugó nang ating Pan~ginoong Jesucristo; cun dito sa ibabao nang lupa,i, tinitin~gala siya doon sa isang buhay, sinong macaaalam cun siya naman ang titin~galá; dito,i, nacapagpaparusa cun may casalanan, doon sa arao nang paghohocom sa sangcatauohan di na naaalaman, cun ano ang masasapit; cun maguiguing isá sa magsisihatol sa caniya; alalahanin naman nang alila, na ang mababa niyang calagayan, ay tulot nang Dios, at parang isang hagdang pinaaacyatan sa caniya, sa pagpanhic sa lan~git; at ang paglilincod sa caniyang pan~ginoon, ay icararapat sa Dios, ipagcacamit nang caloualhatian cun minamatamis sa loob, nagtatapat sa pan~ginoon, at tumutupad nang catungculan. In~gatan nang pan~ginoon ang puri nang alila, at gayon din naman ang alila sa pan~ginoon, at houag iba bantóg cun may maquitang camalian, lalo,t, cun icasisira nang puri ay pacain~gatan. Capagnan~gahas manira, ay pan~gin~gilagan, mapaguiuicaan na ualang inin~gat na bait. Paganhing saysaying ang tapat na paquiquipagcapoua tauo ay isang tapat na pagibig, caya ang quinaoouian ay ang pagbibigay lugod sa capoua. N~guni,t, ang pagbibigay lugod na ito, ay may guhit na tinutunton. Cun ang hinihin~gi, sa atin nang capoua, maguing camaganac man at caibigan, ay sinsay sa matouid, ay di dapat pahinohod cahit ipagdalang poot at icasira man nang pagiibigan Sinasalitâ sa historia, na si Rotilio, ay pinaghinanactan nang isa niyang caibigan, dahil Páhiná 73sa di napahinohod sa isang di tapat na cahin~gian caya pinan~gusapan nang caibigan at uinica: ¿ano ang capansanan nang pagibig mo sa aquin, cun di ca macapagbibigay loob sa hinin~gi co? ang gayong pan~gun~gusap na may hinanaquit ay sinagot ni Rotilio nang tapát: aanhin co ¿naman ang iyong pagibig cun maguiguing daan na ipipilit mo sa aquin sa paggauâ nang di catouiran? Gayon man ang marunong maquipagcapoua tauo, cun di man mangyaring macapahinohod sa namamanhic sa caniya, ay sinasagot nang banayad, binabagayan nang masayang muc-hâ. Ipinaquiquilala, malaqui disin ang caniyang nása na magbigay loob, ay hindi mangyari,t, di macayanang gauin, ó nasisinsay caya sa catouiran. Ano pa n~ga,t, ang caniyang sagót na ayao, ay sucat calugdán nang namamanhic na rin nang óo.
Ipinaguutos din naman, na cun magpapautan~gan nang loob, ay houag papaghintay hintayin ang namamanhic. Cun may sumasanguni,t, nunuha nang hatol, ay houag sumagót nang mataás na sabi, cun di banayad, malamig at cauili-uili, houag magpapangáp marunong, houag magaama-amahan, at sa caniyang sagót ay ipahahalalâ ang magandang nása nang loob sa capoua. Ano pa nga,t, cun icao. Feliza at ni Honesto, ay matutong maquipagcapoua tauo, ay ang inyong quilos, asal at pan~gun~gusap, ay magdaramit nang cariquitan na maca bibihag nang puso.
Ibig co disin, na ang man~ga sulat cong ito ay basahin mo, at gayon din naman si Honesto, houag ang minsan cun di ang maminsan-minsan, sapagca,t, cun minsan lamang, matalastas man Páhiná 74ang cahulugan ay madaling malimutan; cun basahin toui-touina, may malimutan man ay maaalaala, at ang macaligtaan sa man~ga unang pagbasa ay maaaninao sa icalaua; ang di na pagaralan nang una, ay mapagaralan sa huli, caya ipinanamanhic co na basahi,t, basahin. Adios, Feliza, hangang sa tayo,i, magquita diyan sa Paombong—URBANA.