SA NAN~GAG DADALANG TAUO.
Isang Sacerdote cay Feliza at cay Amadeo.—MANILA ...
FELIZA: Cun ang inyong pag sasama ni Amadeo, ay bigyan nang Dios nang bun~ga, ay caiin~gatan mo,t, nang huag masira. Ang babayeng nagdadalang tauo ay maramdamin ang catauan, caya dapat itiguil ang pag aayunar, at baca ipag caPáhiná 136ramdam, at bucod sa rito naman ay di ang sariling catauan, cun di sampu nang sangol na dalá sa tiyan, ay nag cacailan~gan nang pagcain. Magpilit, ca namang mag hauac nang loob, umilag sa malaquing cagalitan, at baca mo icapahamac.
Pag saquitan mo naman, Amadeo na houag maca pag bigay dalamhati cay Feliza: icao at siya,i, catatauag sa Dios at cay Guinoong Santa María, na in~gatan ang buhay nang inyong anac, at nang magcamit nang Santo Bautismo. Arao arao ay tumauag cayo sa Angel na catutubo, hin~gin ninyo na cayo,i, hulugan nang magandang tica, iilag sa pan~ganib na icamamatay nang inyong anac: sapagca,t, malaquing totoo ang nasa nang demonio na houag maguing cristiano, at nang di maguing campon nang Dios.
Limitan mo, Feliza, ang pagcocompisal at paquiquinabang ihin~gi nang aua ang sarili mong caloloua, at ang maguiguing anac mo, lalong lalo na sa icasiyam na buan, sapagca,t, catungculán nang babayeng nag dadalang tauo ang mag compisál sa panahóng ito, at palibhasa,i, malaqui ang pan~ganib nang nan~gan~ganac, lalong lalo na cun nan~gan~ganay.
Cun mag daan cang maloualhati ay mag pasalamat ca sa Dios.
Cun ang inyong anac, Amadeo at Feliza, ay maguing cristiano na, ulitin ang pag papasalamat sa Dios, ihain sa pag lilingcód at pamimintuho sa caniyang camahalan.
Sa arao, Feliza, nan iyong pag sisimba, ihain mo ang anac mo sa Dios at cay Guinoong Santa María, hin~gin mong cupcupin na ariing anac, at sambitin mong ulit-ulitin itong panalan~ging hatol Páhiná 137ni Padre Claret: Jesús y María, houag mong ipahintulot na aco,i, maguing ina nang man~ga hunghang: cun ang aquing anac ay mapapasamà, ay bauian mo na nang buhay, hangang siya,i, Angelito na ualang casalanan.[83]
Amadeo,t, Feliza, ang inyong anac ay anac nang Dios sa gracia, caya dapat paca alagaan.
Cun ang isang hari sa lupa ay mag catiuala sa inyo, na paalagaan ang isa niyang anac, ang iyong pagcacalin~ga capala pa,i, ualang pagcasiahán.
Ang inyong anac, na anac nang Dios at ni Guinoóng Santa María na pina-aalagaan sa inyo, cun di cayo maca tupád nang catungculang ito ay magagayác ang parusa, at cun maca tupád naman ay magandang ganti.
Cun magca loob na, ay lalong daquila ang catungculan ninyo sa inyong anac: ang pag tuturo nang man~ga catotohanang icaquiquilala at ipaglilingcód sa Dios, ang pagbibigay nang magandang halimbaua, ang pag iin~gat na siya,i, magcasala, ang pag lalagay estado. Ang lahat nang ito ay natatalá sa man~ga sulat ni Urbana, sa Pláticas Doctrinalas, at sa man~ga sulat co naman.
Gayon man sa casunód na sulat, sasaysayin co ang man~ga cahatolán na dapat alinsunurin nang magulang cun lumaqui na ang canilang anac. Pagcallooban nauá cayong mag asaua nang Dios nang magandang capalaran. Adios, Feliza at Amadeo.—ISANG SACERDOTE.
Páhiná 138