MANILA....
MINAMAHAL CONG CAPATID: Alinsunod sa pagsunód co sa cahin~gian mo na isulat co sa iyo ang mágandang aral na aquing tinangap sa maestra, ay minatapat co na dito,i, ipahayag sa iyo ang ayon sa calinisan. Tanto co na icao at si Honesto hinguil sa magandang asal na ito, n~guni dito,i, siya co ring saysay at ang aquing nasa,i, siyang cauilihan nang iyong loob at panatilihan, sapagca,t, ang cahusayan nang calinisan sa asal ay salamin nang calinisan nang caloloua.
Pagca tapos nang pagpupuri sa Dios, ang pagpilitan nang tauo ay ang paglilinis nang catauan, na para nang aquing sinaysay sa man~ga unang sulat, ay isusunod ang pagsisicap na ang damit na isosoot ay malinis; at ang calinisang ito ay di dapat limutin nang tauo sa bahay man, sa simbahan at sa lansan~gan man sapagca,t, ang calinisan at cahusayan sa batá ó binata, sa may asaua, ó sa dalaga ay hiyas na quinalulugdan nang mata at quinauiuilihan nang loob. Ang calinisan at cahusayan, anaquin; sapagca,t, malinis man at mariquit ang damit, cun ualang cahusayan, ay di nagbibigay dilag sa dinaramtan. Bucod sa caPáhiná 51linisan at cahusayang hinihin~gi, ay cailan~gan din naman ang pagbabagay-bagay sapagca,t, napatataua ang hindi marunong magucol ucol nang damit, na caparis nang lucsa na sa pula; gayon din naman ang pagsasalit nang may halagang cayo sa duc ha at abang damit.
Cun ang pananamit na di nagcacabagay-bagay ay nacatataua, ang pananamit na mahalay ay nacasusuclam at nacaririmarim.
Cun magsoot ang isang babaye nang barong nan~gan~ganinag, ualang tapapecho ó panaquip sa dibdib, ay nacasusuclam tingnan, at ang may panaquip man ay di rin naitatago ang catauan at cahit paganhin ang barong nan~gan~ganinag sa isang babaye ay masamang tingnan, sapagca,t, naquiquita ang calahati nang catauan.
Salamat, Feliza, sa íyong magandang ugali, na pinagsususón mo ang baro, at iniin~gatan mong maquita nang matá ang iyong catauan. Ang magluang nang bilog, ang mamaro nang maicli, ang babaye na di marunong magin~gat nang caniyang pagquilos, ay parang itinatanyag ang catauan sa mata nang tauo.
Sucat alalahanín nang man~ga namamaling binibini ang malinis na uaní nang isda, na tinatauag na Pesmulier. Ang isdang ito, ang sabi, ay may suso sa dibdib, ang palicpic ay malalapad: pagnahuli nang man~gin~gisda, caraca raca ay ibanababá ang palicpic at itinataquip sa dibdib at nang di maquita. ¡Magandang caasalan na sucat pagcunang halimbaua nating man~ga babaye! Páhiná 52 Casunod nang calinisan sa pananamit ang calinisan at cahusayan sa pamamahay; sapagca,t, ang carumihan at caguluhán ay nagbabantóg sa nananhic na ang namamahay ay culang sa bait, anyaya at magasó. At nang pagcaratihan mo, Feliza, ay hatol co sa iyo na anomang gamitin mo ay isauli sa pinagcunang lugar, at bago isauli ay linisin cun narumihán. Ang hagdanan, cocina at hihigan ang nagsasaysay nang calinisan nang may bahay, caya dapat pagiin~gatan.
Sucat na tandaan nang isang dalaga na siya ma,i, maganda, mayaman at marunong maghiyas cun di marunong mamahay, ay uala ring halagá sa marunong magmasid: sapagca,t, ang babaye ang nagiin~gat nang susi nang caran~galan sa pamamahay, caran~galang sinisira nang sambulat na babaye.
Cun ang calinisan ay hinihin~gi, sa tauo sa sariling catauan at sa pamamahay ay hinihin~gi rin naman sa pagharap sa tauo. Ito ang dahilan at pan~gun~gusap quilos, pagtin~gin at boong caasalàn ay sucat in~gatan na houag maquitaan nang casalaulaan ó anyong masama na icapipintás.
Cun tayo,i, naquiqui usap ay houag i-abot ang camay cun baga,t, marumi at nang di pangdirihan: at sacali,t, hin~gin, ay itangui at isaysay ang cadahilanan.
Sa pagcain, ang ano mang bagay na ating gamitin at marumihan nang camay ó nang ating bibig ay di dapat i-abot sa casalo.
Ano mang gamit natin sa pamamahay ay houag ipagamit sa iba cun pangdidirihan, maliban na lamang cun na sa caguipitan at ualá nang magamit na iba, at capos naman sa panahong sucat ipaglinis. Páhiná 53 Sa pan~gin~gibang bahay naman ay dapat ang pagiin~gat. Sa paggamit nang casangcapan nang may bahay ay di ucol ang ualang uastó, ualang cahusayan at calinisan, sapagca,t, nacamumuhi.
Ang manhic sa ibang bahay na di malinis ang chapin ó paá, ay nacagagalit sa may bahay, caya dapat maglinis muna sa pamahiran nang paá.
Sa pagpanhic sa hagdanan ay houag mananabaco, lalo,t, cun ang sinasadya ay tauong mayselan. Cun macapanhic na, macapag bigay galang sa may bahay, houag caracaraca,i, umupó cun di cun pagutusan: at sacali,t, dumating ang ibang tauo ay alayan nang loclocan, at cun bagá ualá nang iba cun di ang inu-upoan natin ay siyang i-alay.
Ang man~gahas bumuclat nang libro ó sulat, ó dumampót caya nang ano mang bagay na maquita sa mesa, ay asal nang tauong hamac.
Ang magsalitá nang nacasusuclám sa caharáp ay masamang paquingan, at totoong pan~git sa isang binibini.
Gayon man, ang magandang caasalan ay naguiguing viciong nacacamuhi, cun pinalalampas sa guhit. Nacapopoot sa man~ga casambahay, at sa sinasamáng palad na nacacasama sa man~ga paglacad sa cati, sa paglayag sa caragatan, ay nacápagbibigáy poot cun maquita na ang anomang malapit, anomang maamóy, anomang mahipo ay pinangdidirihan.
Nacálulucod tingnan ang malinis sa pamamahay, sa pananamit, sa m~ga paggauá at sa boong caasalan: n~guni ang lahat nang bagay dito sa mundó ay dapat ituntóng sa guhit, na di ucol na lampasán. Páhiná 54 Ang cahusayan at calinisan ay hiyas na hinahanap sa babaye at gayon din sa lalaqui, n~guni alalahanin na ang ating man~ga casangcapan, damit at madlang pagaari sa mundo at talagang ipaglilingcod sa tauo. Caya cahima,t, mahalaga ang anomang pagaari, ay di sucat mahalin nang ating puso, di dapat na pagubusan nang ating lacás.
Cun sa pagmamahal sa asal, at sa calinisan ay nágcuculang ang man~ga babaye, ay lalo ang man~ga lalaqui.
Namamasdaan n~gayon ang mamaro nang maicli, ang salauál ay manipis at madalang, ¿ano ang sinasaysay nang asal na ito?
Ang sinasaysay ay casalaulaan, caculan~gan nang hiya at bait nang sumusunod sa mahalay na moda.
¡Masamang casalan na pangsira sa man~ga caloloua, nunucao nang galit nang Dios na tayo, parusahan!
Ipagcaloob nauá nang Lan~git na maliuanagan: ang nagcacamaling bait nang cabinataan.
In~gatan ca nang Dios, Feliza.—URBANA.
Páhiná 55