Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza (Tagalog) Chapter 20

SA PAGCAIN.


Si Urbana cay Feliza.—MANILA ...


FELIZA: Ang isa pang pagcacaquilanlán sa tauo, na may pinagaralan, ay sa pagcain, caya ang tauo,i, hangang bata ay magaral, at nang houag maguipit sa capanahonan. Magmulá sa cabataan, hangang sa tumanda, ay marami ang pagdaraanan, Hindi nalalaman cun siya,i, magmamaguinoo, o cun hindi, cun sino sinong tauo ang caniyang macacasalo sa pagcain, cun saan saang bayan siya mapapatun~go; cun may pinagaralan, ay di mahihiya pagdating nang capanahonang gamitin ang caniyang carunun~gun.

Cahiman, Feliza, ay di caraniuan sa ating tagalog ang gumamit nang cubiertos[5] sa pagcain; dito,i, isusulat co rin ang man~ga cahatolang dapat alinsunurin. Di mo cailan~gan ang saysayin co sa iyo, pagca,t, datihang cang gumamit; n~guni quinacailan~gan nang iba, na di nacaaalam, sapagca,t, cun maanyayahán sa isang piguing na di sumusubo nang camáy ¿ano ang masasapit cun di marunong? Capilitang mahihiya. Laqui nang nasa co, na ito,i, pagcaugalian sa catagalugan. Ang lahat nang nacion sa Europa, ang Americanos, may ganitong caugalian, sapagca,t, isang camahalan nang asal. At cahiPáhiná 56ma,t, ang Inchic, ay di gumagamit nang cubiertos sa pagcain, ay may sipit na sinasancáp, sapagca,t, aayao marumihan ang camay at nang di carimariman. Ang man~ga Turcos ay may ugali sa pagcain na para nang tagalog; n~guni sa panahong ito,i, nagaaral nang magcubiertos, lalo na ang man~ga guinoó, tumutulad sa man~ga taga Europa, sapagca,t, naquiquita ang calinisan nang ganitong pagcain. Aquing mumulang isulat ang man~ga regla.

Ang lamesa,i, lalatagan nang mantel na malinis, at sa ibábao nang servillet ilalagay ang sopera[6] cun mayroon. Ang soperang ito, ay ilalagay sa harap nang magbabahagui nang sopas, na ang caraniuang mamahagui ay ang pinaca puno sa lamesa. Cun ilan ang uupó sa dulang, ay gáyon din namán ang bilang nang plato sopera;[7] sa caliua ilalagáy ang tenedor, sa canan ang cuchillo,t, cuchara na cung mangyayari maguing tatlong paris na pauang malilinis. Pagcatapos nang sopas, ay casunod ang puchero ó laoya na babahaguinin nang may catungculan. Cailan~gan, na ang magpipiguing ay humanap nang sirvienteng datihan sa ganitong pagcain, sapagca,t, cun di matuto ang naglilincód sa dulang, ay mahihiya ang may piguing. Ang iba,i, may ugali, na pagcatapos cumain nang isang potage, ay naghahalili nang pingan at cubiertos, magmasid ang pinipiguing at maquiugali sa caniyang casalo. Quilanlin naman nang may piguing cun sino ang caniyang pinipiPáhiná 57guing at carampatang bagayan. Tingnan cun may ganitong ugali, at paquibagayan. Nang di magcagulo-gulo ang pámamahala sa mesa ay nauucol maghandá nang maraming pingang malinis sa isang bucód na mesa, at magca hali halili. Pagcatapos nang puchero, may ugali ang iba na isinusunód ang man~ga guisado at saca ang prito, asado ó inihao. Ang salsa, ay ilalagáy sa salsero[8] na carániuang gamitin sa man~ga asado. Ang salsero ay houag saosauán, sapagca,t, isang casalanlaan.

Cun cailan~gang magsangcap nang salsa, ay magbuhos nang caunti sa caniyang pingan, at cun ang salsero,i tasa lamang ay caoquin nang cucharang malinis. Ang cuchara ó cuchillong marumi, ay di dapat gamitin sa ulam na nasa mesa, at nang di pangdirihan nang iba. May isa namang ugali, na ang namamahala sa mesa, at namamahagui nang ulam, ay ang man~ga casambahay ó caibigan caya nang may piguing. Ang isdá cun malaqui, ay dapat namang ilagay sa isang platong mahaba, at cun babahaguinin sa lamesa, ay hahatiin nang cuchillo sa taguiliran, magmulá sa ulo hangang buntot, cun maubos ang isang taguiliran ay isusunod ang cabilâ. Cun ito,i, maubos naman, ay itaas ang tinic, at saca isunód na ipamahagui ang bandang tiyan. Cun ang isda,i maliliit, ay ipamahaguing boó. Cun may calac han ay pagputlin-putlin. Ang pugo ay boong ipamahagui, cun malalaqui ang ibon ay pag-puputlin-putlin sa isang pingang bucód, huhulihin ang casucasuaan nang pacpác, hita at nang huag paghirapan, ang pichó ó dibdib, ay cucunin nang paayón sa estauan, boó-boong piraso at di duduroguin. Páhiná 58 Ang jamon naman, ay lalapain muna ang tabá, na di ihihiualay sa casama, bábaligtarin ang balát na linapláp saca cucunin nang pasalapsáp sa loob, paayon sa quilabot, ninipisán nang pacuha cun ilang lapang, ang cailan~gan, ay siyang ipamahagui, at saca itataquip ang linapnáp na tabá. Ang iba,i, may ugali, na hinihiuang manipis nang paputól ang jamón. Sa pabo nama,i, ang unang quinucuha,i, ang buchi, isinusunód ang hita, at saca ang dibdib, na hinihiua nang pahabá. Di ang caraniuang gamit ay ang trinchante.[9]

Ang pastel at relleno, ay inaalisán muna náng pinacataquip, quinucuha ang lamán, at ang pastel ó masang nacabalot sa lamán ay hihiuain nang pahabá. Cun ang laman ay ibon, ay ibubucod. Cun ang pastel ay manipis, mumulan ang hiua sa bandang guitna. Ang inihao na baca, ay hihiuain nang pahalang sa lamán, ang tupa ay paayón.

Ang man~ga biling ito, ay siya ring susunód sa man~ga guisado. Ang man~ga bun~ga nang cahoy cun i aabót sa iba at uala sa pingan, ay duroin nang tenedor, at houag hahauacan nang camáy. Ang man~ga binatang nagiibig matuto, ay mag-aral sa sarili nang houag mahiya pagdating nang capanahonan.

Houag ihahahauac ang daliri nang ano man sa mesa cun di ang gagamitin ang cochillo,t, tenedor.

Sa pingan ó sa vasong ini inomán ó quinacanan, cailan man ay magtitirá nang coanti. Banlauan Páhiná 59ang ano mang quinacanan at saca inomin ay isang catacauan.

Ang paggamit nang cubiertos ay marahan, houag n~gan~galotin nang n~gipin at houag namang n~gabn~gabin nang labi.

Ang magauit sumutsót at dumhán ang iba nang sabao, ay nacarurumí, para rin naman nang sumigao, mamintás nang ulam, mamulá sa iba, magmadirihin sa quinacain, sapagca,t, nacahihiyá sa may piguing, at nacagagalít sa iba. Cun magsasalitá ay sayahan, n~guni lalangcapán nang cahinhinan; houag maglalasing, sapagca,t, cun mapagdimlan na ang isip, ay di na maalaman ang guinagaua ó sinasabi.

Houag magpaquita nang quilos masamá, na para baga nang mamualan, dumampót nang lapang lapang na ulam, ó tinapay, uminóm nang maraming alac, nang di mauicaang matacao ó lasing.

Cun tumama nang pingan ó ulam na marumi, ay houag ipahálata sa may piguing na pinangdidirihan, ibigay sá sirviente at nang halinhan nang ibá.

Cun may capintasan ang handa, ay ualing bahala; ang ipaquiquita,i, saya, at pasalamatan ang nagpiguing sa anyayang bigay puri sa piniguing.

Ugali nang taga Europa, na sa pagcain ay nagsasalit nang tagay na sinasamahan nang pan~gun~gusap na tulá, at cun minsan ay di tulá, na ang cahulogán, pagnanasá nang cagalin~gan sa hari ó reina, ó ibang pinuno, ó sa may piguing caya. Páhiná 60 Cun minsan, ay unang nan~gun~gusap nang patindig, ang pinaca puno sa mesa, pagtindig niya,i, susunod ang lahat; at sa paginom naman nang alac ay ganoon din. N~guni,t, ang baua,t isa, ay may sariling copa ó vaso.

Máy bucod namang brindis ó tagayan na isang tatlo apat lamang sa mesa ang nagtatan~goan nang ulo, na ang cahulugán, ay pa papáhayag nang cani canilang pagiibigan at pagmamahalan.

Ang camahalan nang asal sa pagcain, sucat pagaralan hangang bata, nang pagca bihasahan, at nang di n~gan~gapa-n~gapa pagdating nang capanahonan.

Si Honesto, Feliza, pagpilitan mong matuto, sapagca,t, capurihan mo,t, caran~galan naman niya. Cun nagtatacá ca,t, aco animo,i, isang dalaga, ay hindi bagay ang gumauá nang madlang bagay na dito,i, sinasabi, ang sagot co sa iyo,i, di co guinagaua,t, di co nacacayanan, palibhasa,i, di ucol sa babaye. Isinulat co sa iyo,t, nang may pagcaaninauan si Honesto. Adios, Feliza, in~gatan ca nauá nang Dios.—URBANA.

Páhiná 61

NovelSmooth

Over 10,000 web novels across every genre, from heart-racing romance to epic fantasy. All free to read online, updated daily.

Genres

© 2026 Novelsmooth. All rights reserved.