SA PAGLAGAY SA ESTADO.
Si Feliza cay Urbana.—PAOMBONG ...
MINAMAHAL CONG CAPÁTiD: Sa pagcamasid ni ina, na aco,i, dumating na sa panahon, na dapat co nang ilagay sa estado, ay sa madlang binata na sa aqui,i, nagnanasa, ay napahinuhod ang loob sa isang baguntauo, na inaacala na may inin~gat na cabaitan.
Dito, sa man~ga nacaraang arao, ay madalás sumagui sa aquing pagiisip, cun ano ang aquing mapagsasapit sa panahong haharapin. Cun dumating ang capanahonan, at tayo,i, maulila cay ama,t, cay ina, at aco,i, dalaga pa, di aco sa mundo,i, ulilang ulila. Ulilang ulila at mapapagisa sa guitna nang mundong puno nang pan~ganib. Cun magcagayon na,i, di catulad co,i, isang marupóc na daong na inabót nang sigua sa guitna nang dagat, pinagtutulong-tulon~gang hampasin nang salu-salubong na han~gin, ibaba,t, itaas, nang matataas na daluyong; cahima,t, ang timon nang cabaitan ay di masisira, cun uala na ang pilotong macapagaalaga; ¿masasabi cayang macasasadsád sa guilid, macapan~gan~ganlong sa han~gin, at di mababagbág sa laot? Ang puring inin~gat nang aquing pusong daong na marupóc, cun pagtulong-tulon~gang hampasin nang marahás na han~gin nang hibo,t, paraya, cahit anong bait, cahit anong Páhiná 90hinhin, cahit anong ilag ang aquing gamitin, at ipagsangaláng cun mapag-isa na,t abotin nang hina, at aco,i, hapoin sa catiyagaan ¿masasabi co cayang dili mababagbág sa laot? ¿Di caya isang capan~gahasan, cun aquing uicain na ang capurihan co at calinisan, ay ma iin~gatan co rin sa calaguitnaan nang suson-susóng pan~ganib? isang capan~gahasan at isang caulolan. Caya di pahinohod ang loob co, na aco,i, lumagui sa ganitong calagayan. Cun ang isang dalaga,i, may bait at may nag aalagang magulang, cun may mag bantá man nang di matouid, ay di mapanibulos at palibhasa,i, ang macacabanga,i, dalauang cabaca ang cabaitan nang isang dalaga, at ang alang alang sa magulang. N~guni cun maulila na, ang cabaitang ito na parang isang cutang tangolan nang puri nang isang virgen, cun mapag-isa na,t, ualá nang magtangól, ¿di caya pagpahamacang lusobin nang pan~gahas na loob? Cun magca gayon na,i, ang carupucán nang bata cong loob ¿ay macaaasa cayang macapagtatagumpáy?
Cun pagdili-dilihin co naman, na ang matrimonio,i, mabigát pasanin, lalo,t, ang tatamaan ay di co macacasundo, at iba ang asal, iba ang uani, salát sa cabaitan at ualang cabanalan, iba ang loob, ang dalauang puso ay di matatalian nang isang pagibig, ay capilitang malayó sa amin ang pagcacasundo. Cun ang man~ga bagay na ito,i, aquing pagdili dilihin, ay nagaalan~gan aco, natatacot tumangap nang isang mabigat na pasán, na hindi co masabi na macacayanang dalhín. Sa lagay na ito, na nagaalan~gan ang aquing loob sa dalauang estado: pinag titimbáng-timbáng ang pan~ganib at caguinhauahan nang isang dalaga; ang pagca Páhiná 91ayo sa pan~ganib, ang cabigatan at cahirapan nang isang may asaua, ay nagugulo ang aquing isip, nagaagam-agam ang loob, at hinahandulong aco nang malaquing saquit. Sa ualang matutuhang gauin, ay itin~galá co ang matá sa lan~git, at palibhasa,i, diyan co inaasahan na magmumulá ang tulong sa aquin.[16] Ipinahayag co sa Dios, ang dinaramdam cong capighatian at aquing sinaysay yaong pinala~nging bigcas nang Profeta: aco,i, turoan mo Pan~ginoon cong sumunod sa iyong mahal na calooban, at palibhasa,i, icao ang Dios co.[17] Ang man~ga mata co,i, para nang alipin na bibitin bitin sa pan~ginoon hihintay-hintay at di inaalis hangang sa di caauaan.[18]
Ang Dios na dinadain~gan co, sa toui-touing daratnán aco nang sáquit, si Guinoong Santa Maria na tinatauag cong Ina, ay naaua,t, nahabag sa aquing man~ga panalan~gin, hindi nalao,i, hinan~go aco sa hirap. Isang gabing tahimic, na bagong natapos acong nagpuri sa Dios, ay nilapitan aco ni ina,t, may ipinahayag.
Icao, Feliza, ay na sa capanahonan na sucat ipagisip, na lumagay sa estado. Ang tauo ay di lagui sa mundó, buhay maicli at may catapusan caya ang iniisip co,i, ang sa haharapin. Minamahal cata, bunto at di co; datapoua,t, lalong minamahal co ang capanatagan mo.
Cun dumating sa aquin ang oras nang camatayan, at maiuan quita sa calagayan iyan, ay maPáhiná 92guiguing tinic na sa aquing puso,i, magbibigay saquit, sa pagaalaalang quita,i, maiiuan sa madlang pan~ganib, lalo,t, cun ulila ca na sa ama,t, sa ina. Sa madlang baguntauo, na nan~gin~gibig sa iyo,i, isa ang napili nang ama mo, at gayon din naman aco. Isang baguntauo na anac guinoo, magandá ang quias, asal ay mahinhin, may loob sa Dios, may iquinacacaya, asal ay tahimic, malayo pagaauay, ualang nota sa bayan, ang pan~gala,i, Amadeo. Ang baguntauong ito,i, ang maacala cong macacabagay mo, at maguiguing casing isa mo sa palad: Pagtaga ni ina nang caniyang salita ay natalastas co ang tinutun~go, n~guní hindi co sinagot hangang di natapos, at niniisip co naman ang itutugon co.
Nang siya,i, tumahimic na, ay ualang naisagót aco, cun di ang salamat, ina, sa pagcacalin~ga sa aquin sa magandá mong nasang aco,i, mapalagá'y sa capanatagan, sa panahong haharapin. N~guni ang hin~gi co ina,t, pamanhic sa iyo,i, aco ay bigyan nang caonting panahon naipagisip. Aquing natatantô, ina, na ang matalas mong bait, ay nadarayaan, di ang cagandahan, di ang pagca guinoo, di ang munting ari ni Amadeo, cun di ang magandá niyang asal, ang nacahicayat sa iyo, na ibigáy sa aquing esposo, n~guni hintay muna, ina, at magmamasid acong man~ga ilang arao. Cun maquilala co na ang caniyang pagibig ay di paimbabáo, asal niya,t, asal co ay nagcaca-isa, ang magugulang niya,t, man~ga capatid ay macacasundo co, ay asahan mo, ina, na aco ay caniya, n~guni cun sa caniyang familia, ay may ipipintás ang tauo sa bayan, at ang capintasang ito ay icasisira nang ating puri, ay ipahintulot mo, Páhiná 93ina, na di co ipayag sa caniya ang aquing puso, at inaasahang co naman na ang sagót cong hindi, ay di mo icapopoot.
Sa sagót cong ito,i, nan~giti si ina, at aco,i, niyacap na pinacahigpit, at ang ipinacli: sa ilan nang arao na ninanasa cong magpahayag sa iyo, ay nahuhulaan co na ang isasagót mo. Salamat Feliza, sa Dios, sa masonoring loob na ipinagcaloob sa iyo, salamat sa pagsunód mo sa calooban nang magulang. Salamat sa cabaitan mo. Sa isang masonoring anac, ay ualang sucat na asahan ang ina, na para nang sagót na iyan, na bulong sa iyo nang inin~gat mong bait.
Di co masaysay, Urbana, sa iyo ang quinamtáng tóua ni ina,t, sampong aco naman: aco,i, niyacap na muli, saca ang canan co ay pinacahigpit na hinauacan nang dalauang camay, ay bago uinica: matulog ca na, bunso, bucas ay mulan mo nang isanguni sa Dios sa iyong man~ga panalan~gin, idalan~gin mo cay Guinoóng Santá Maria, na icao at aco,i, tulun~gang ipagcaloob na matulóy ang ating magandang bantá, cun maayon sa santong calooban niya, at igagaling nang iyong caloloua; at cun hindi naman, ay bigyan tayo nang daan na icasasansala.
Nang quinabucasan, Urbana, ay naquita cong nasoc sa pintoan nang ating bacuran si Amadeo. Adios, Urbana, hangang sa isang sulat.—Feliza.
Páhiná 94