SA DINATNAN NANG PANGANIB
Si Feliza cay Urbana.—PAOMBONG....
URBANA: sa sulat na sinundán nito ay aquing sinaysay sa iyo na maquita co si Amadeo, sulat co,i, napatid, at dinguin ang cadahilanan: ang dibdib co,i, nagtatahip; ang puso,i, nabibigatán nang isang caramdamang di nararanasan magpacailan man; ang camay co,i, nan~gin~ginig, ang pluma,i, nalalaglág sa daliri; sa matá co,i, nan~gin~gilid at bibitin bitin ang camunting luha, at sa catapusang matitic sa sulat ang n~galang Amadeo, pluma,i, nabitiua,t, pumatac ang tubig na bumasa sa sulat. N~gayon co ipatuloy ang sulat iyon.
Nang si Amadeo ay maquita cong na sa pintoan nang ating bahay, ay natilihan aco, loob co,i, napindang at naualan nang diua. Isang baguntauo, na ang quias at tindig nang pan~gan~gatauan, ay timbang na timbang, quilos ay mabini, mahinhin ang asal, sa caniyang muc-ha,i, cahit di maquita ang nacasisilao na cagandahan, n~guni nagniningning ang cabaitan, ang malubáy at maamong loob na iniin~gatan, ang mata,i, maamo,t, ang binibitiuan ay may hiyang titig, na di napan~gahasang itapon sa aquin. Nauumid siya,t, mata,i, nan~gun~gusap, at acong nacaharap naman ay gayon di,t, tiboc nang puso co ay labis nang tunog, na aco,i, nagdalang tacot, na baca marinig. Sa aquing mapanPáhiná 95sin ang calagayang iyon, bait co,i, nan~gusap, nagdamdam nang hiya: sa malaquing hiya,i, aco,i, napaalis na biglang di co na nagamit ang galang sa pagpapa-alam. Nang aco,i, maligpit na sa silid, ay naramdaman cong napaui ang catahimicang cacambál nang cabataan co, at ang humalili,i, isang caligaligan na dinaramdam co,i, dili co masaysay. Ibig co dising umalis sa silid na quinalalagyan co,t, aco,i, paquita uli, at humin~ging tauad, sa di co pagpapa alam, n~guni nacarinig aco sa dibdib co nang isang matunóg na voces, na sumansala, sa aquin, at nan~gusap: na ang gauang iyo,i, bulong nang licóng pagibig, at saui sa cabaitan nang isang dalaga. Titindig na aco,i, napa-upó uli nacapaghunos dili at na ala ala co yaong auit ni David: aco,i, nagsacdál sa aquing Pan~ginoon nang pagusiguin aco nang saquit, ay quinalugdan dinguin ang carain~gan co.[19] Itong santong auit nang may dusang Profeta ay parang narinig co, napatindig uli sa quinaloloclocan, biglang naniclohód sa ating Pan~ginoong napapaco sa cruz, nanalan~gin aco sa caniyang harapan, at ang caralitaang damdam nang puso co ay aquing sinaysay:[20] isilay mo, Dios co, ang caliuanagan sa napagdidimlang cong isip, nang di ang caloloua co,i, abotin nang camatayan, houag mong itulot na macapagtagumpay sa aquin ang malupit na caauay nang di pagauitan aco, aglahiin at uicain: siya,i, nagahis co rin.[21] Nang matapos acong macapanalan~gin, sumigla ang puso, nagdamdam Páhiná 96nang catapan~gan, aquing uiuica; iilag na aco sa pan~ganib na macasisira nang calinisan co; at naalaala co yaong uica ni San Pablo; sa tucsong laban sa calinisan, ang douag ang nagtatagumpay. Gayon man Urbana,i, hindi rin mangyari cun di ang sangunian cata. Hintay ang casagutan mo nitong iyong capatid na na nagmamahal sá iyo.—FELIZA.