Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza (Tagalog) Chapter 29

NA MAY MAN~GA ANAC NA DALAGA


Si Urbana cay Feliza,—MANILA ...


IGUINAGALANG CO,T, INIIBIG NA INA: Isinulat sa aquin ni Feliza ang magandang gayác mo po, na siya,i, ilagay sa estado, ang pagpapahayag Páhiná 98mo sa caniya, ang caniyang casagutan sa iyo, na magmamasid muna,t, magiisip-isip cun icararapat sa Dios. Ayon sa bagay na ito,i, uala acong masabi, cun di ang inyong magandang banta at ang mabait na adhica nang loob ni Feliza, ay ipatuloy, sacali,t, mapaganinao, na na-uucol.

Humihi~ngi naman sa aquin nang man~ga cahatulang ucol sa caniyang calagayan, isinan~guni co sa isang Sacerdoteng marunong, ay di minatapát na ipahayag lamang sa aquin nang bibig, cun di ang isulat. Ang sulat na iyan, na inyong tatangapin, ay quinapapalamanán nang man~ga cahatolang aalinsunurin nang isang ina, na may quinacalin~gang anac na babaye. Caya minarapat cong sa inyo,i, ipinadala.

Ang Confesor cay Urbana.

URBANA: Alinsunod sa magandang cahin~gian sa iyo ni Feliza, ay minatapát cong isulat sa inyo ang man~ga cahatolang laban sa masamang caugaliang naquiquita, na ipinahihintulot nang ina sa anac; at ang matotouid na aral na sinipi ni padre Arbiol, sa santong sulat, na nauucol sa man~ga ina.[24] Mumulán cong isaysáy ang isang masamang caugalian, na caraniuang naquiquita.

Cun sa bahay nang dalaga ay may pumanhic na baguntauo, cun may inin~gat na bait ang maguláng, ay di dapat ipahintulot na ang anac na Páhiná 99dalaga ay gumamit nang bandeja, lalo,t, cun di nahaharap ang ama ó ina, magpan~gan~ga sa baguntauo, sapagca,t, cun ualang inin~gat na mahal na asal, ay capilitang bubuhatin ang camay ó paá, iquiquilos nang masama, lalo,t, cun na sa dilim.

Hindi man pagpahamacan nang gayon, bibig naman ang gagamitin, bibigcas nang sabi; ipahahayag ang na sa loob, na ang caraniuan ay hindi magaling.

Magsasaysay caya naman nang pagibig. Sa pagibig na ito,i, ¿ilan na caya baga ang tapat? at sa tapat ma,t, sa hindi, ¿di caya nahahaloan nang masamang bantá?

Pacatantoin nang ina, na ang calinisan nang isang dalaga ay parang isang bubog, na cahit di magcalamat, cahit di mabasag, mahin~gahan lamang ay nadurun~gisan.

May isa pang caugalian na sacdal nang sama at sucat paca-ilagan nang man~ga magulang. Pag panhic nang baguntauo, pagcabati sa magulang ay iiuan ang anac na dalaga, pababayaang maquipagusap nang sarili sa baguntauo.

Cun ang isang dalaga ay naquiquipag usap nang lihim sa baguntauo, ¿saan caya natin maipag hahalimbaua, cundi sa libay na usá, na hinahabol nang áso, na di tutugutan hangang di abutang macagat, at mapatay? Cun ang itutugon sa aquin nang isang magulang, ay catiuala ang caniyang loob sa anac niyang dalaga, at naquiquita níyang may inin~gat na bait, ang masasabi co naman ay di catampatan sa magulang na ilagay sa pan~ganib na mauala ang bait at malugso ang puri nang caniyang anac. Ang sucat alalahanin yaong tulang sambitlá nang man~ga binata: ang bato,i, Páhiná 100sacdal man nang tigas, tubig na malambot ang nacaaagnas.

Cun ang isang baguntauo, ay naquiquipagharap nang lihim, sa isang dalaga, hindi malayo na mauala ang pitagan tumapang ang loob na magpahayag nang caniyang masamang nasa. Sa unang págpapahayag, sa icalaua sa icatlo, cun ang dalaga,i, may inin~gat na puri, hindi malayo na di pa hinuhod sa mas mang lamuyot at maitatangol pa nang catutubong cabaitan. N~guni sa icaapat o icalima marahil ay hindi na. Mahirap nang macapaglaban, at palibhasa,i, nararagandan. Maipaghahalimbaua sa cahoy na babad man sa tubig, sa apóy capag nálapit, at naragandang sa init, ay capilitang magdiriquit.

Sa caraniuang paghaharap nang dalaga,t, baguntauo, ang catauan ay nagcalapit, nagtatama nang mata,t, nagcacaabutan nang sabi; ay at ¡ilan cayang panimdim na laban sa calinisan ang bucal sa isip! ¡ilang masamang banta ang magaling sa puso! ¡ilang bucang bibig ang mabibitiuan! ¡ilang masamang quilos ang magágaua nang binatá na pauang panglugsó nang puri nang isang dalaga!

Cun icao, dalaga, ay sasagot sa aquin, na ang puso mo,i, gaui sa calinisan, dibdib mo,i, matibay na di mababagbág, ang isasagót co sa iyo,i, yaong dalauang hatol nang Dios Espíritu Santo, na ualang nagcandong nang apóy na hindi nasunog. Ang lumululong sa pan~ganib, ay sa pan~ganib din mapapahamac.[25]

¡Oh pabayang ama! ¡oh nagcacamaling ina! caiin~gat at sa minsang malugsó ang puri nang anac ninyong dalaga, ay di na masasauli. PagPáhiná 101nagcagayon na,i, uala cayong magagaua, cun di itan~gis ang caniyang casiraan, at ang casiraan nang inyong puri; at ang lalong catacot tacot ay ipagsusulit ninyo sa Dios, cayo ang sisisihin at parurusahan, at palibhasa,i, cayo ang may casalanan[26] hatol, na sinipî sa santong sulat ni padre Arbiol, at ipinan~garal sa man~ga ina.

Cun icao,i, may anac na babaye ay turoan mong matacot sa Dios, houag pagpapaquitaan nang n~gipin, paca-in~gatan ang canilang pagca virgen,[27] turoang magmahal sa asal at magpaca hinhin, nang di lapastan~ganin nang binata.

Houag tutulotan, na sa canilang pagtin~gin, ay mabasa ang cagaslauan at pagca mairoguin. Sa matá ang uica nang Profeta Jeremías, nanasoc ang camatayan nang caloloua, na sumisira sa man~ga binata.

Ang anac na talipandás at mapan~gahás, ay nacapagbibigay hapis sa caaua auang ama, ang uica nang Dios Espíritu Santo. Caya pacain~gatan, at cun maquitaan nang casiraan, ay hangang bago,i, bigyan agád nang cagamutan, sa pagca cun lumalâ, ay ualâ nang magagaua. Sundin yaong magandang hatol sa magulang na ualang di nacatatalastás: ang cahoy na licó at buctot hutuquin hangang malambut pag lumaqui na at tumayog, mahirap na ang paghutoc.

Pacaalagaan nang ina ang caniyang anac, tingnan ang canilang man~ga quilos, nang maquiPáhiná 102lala ang licó at buctót, at cun sumasamá. Itong santong hatol nang Dios Espíritu Santo, ay alinsunorin at nang di mamali: binigyan nang Dios ang tauo, nang tain~ga,t, nang ipaquinig, matá at nang itin~gin[28].

Sa pagbabago nang muc-há nang babaye, naquiquilala ang caniyang casamaán,[29] caya hindi carampatang calin~gatan, sapagca ang casiraan nang anac na babaye, ay casiraan nang ina.

Houag tulutang mamintanang palagui, sapagca,t, ang dalagang namimintana, ay caparis nang isang buig nang uvas, na bibitin-bitin sa san~ga sa tabi nang daan, na nagaanyayang papitás sa sino mang macaibig.

Nang houag mamihasa sa pamimintana, ay bigyan nang ina nang gagauin, turoang mamahala sa bahay, at nang di na pagaralan cun dumating ang capanahonan. Ito,i, catungculan nang magulang na ituro sa anac; at gayon ang bilin sa santong sulat[30]. Sapagca,t, sa isang babaye, nangagaling ang masamá ó magandang capalaran nang pamamahay.[31]

Houag tutulotan na ang dalaga ay lumacad sa daang nag-iisa ó utusan caya sa oras na di catampatan, ó magpacial caya nang ualang casama, at nang di pagcaraanan nang capahamacan. Cun si Dina na anac ni Jacob, ay di nagpacial na nanagiisa, ay di disin hinamac ni SiPáhiná 103quem, na anac nang principe Hemor, na inilugsó ang caniyang pagca virgen. Cun magcagayo,i, laquing dalamháti nang isang magulang, at palibhasa,i, casiraan nang puri nila at nang boong cahinlugan. At cun magcabihira,i, mula nang pagaauay at pagpapatayan, para nang nangyari sa man~ga anac ni Jacob at anac ni Hemor.

Minsa,i, naisipan ni Dina, na manaog, at ang nasa,i, manood nang babayeng tubo sa lupa ni Canaan na caniyang tinatahanan. Sa pagpapacial niya sa lupang iyon, ay naquita ni Siquem, nalugód at nagdamdam nang malaquing pagibig, hindi nacalaban sa lihis na nasá, inagao si Dina, itinanan at sinira ang caniyang pagca virgen. Nang magca gayon na,i, ualang pagcasiahan ang capighatian nitong napahamac na dalaga. Sa malaquing pag-ibig ni Siquem, ay hinihiling sa caniyang ama na siya,i, ipacasal cay Dina. Sa cahin~gian nang anac, ay napahinuhod ang ama, siyang namanhic cay Jacob, na ang anac niyang si Dina ay ipacasal cay Siquem. Nang nagsasalitaan ang dalauang magulang, ay narinig nang man~ga anac ni Jacob, natantó ang nangyari cay Dina, galit ay di hamac, nagbantang maghiganti, n~guni di ipinahalatá ang canilang masamang nasa. Sa cahin~gian ni Hemor ay hindi napahinuhod ang man~ga anac ni Jacob, hangang di sila nan~gaco na maquiquiugali sa canila, na susunód sa Ley nang Circuncision na utos nang Dios sa man~ga Hebreo.

Palibasa,i, daquila ang pagibig ni Siquem cay Dina, ay tinupad ágad ang pan~gaco. At di lamang siya, cun di lahat nang lalaquing siquimitas na caPáhiná 104nilang nasasacopan, ay pinagutusang sumunod. Nang may icatlong arao na sila,i, nasasaquitan ay linooban nang dalauang anac ni Jacob na si Simeon at ni Levi ang ciudad nang Siquem, casama ang canilang man~ga lingcod at pinagpapatay ang lahat nang lalaqui na ipinaquiramay si Siquem at ni Hemor, at quinuha si Dina. Nang macaalis na sa ciudad si Simeon at ni Levi, siya namang pumasoc at lumoob ang ibang man~ga anac ni Jacob. Sinamsam ang man~ga obejas, baca at asnos nang siquimitas, at dinalang bihag ang man~ga babaye sampo nang man~ga bata.[32]

!Laquing capahamacan ang naguing bun~ga nang pagpapacial na nagiisa ni Dinang quinapos sa palad! Nasira ang caniyang pagca virgen, hiyas nang isang dalaga, napahamac ang puri nang caniyang magulang at nagca utang nang maraming buhay ang caniyang man~ga capatid.

Cun si Eva disin ay, di nagiisang nanood nang halaman sa Paraiso, di sana pinan~gahasang tinucso nang demonio ó cun pinan~gahasan man ay may isang esposo na macasasansala.

Cun sa isang anac na dalaga, may manunuyo, ay matacot ang ina ò ama na sila ay paglingcoran nang baguntao, sapagca,t, cun magca gayon, ay macaquiquita nang daan na titira na tanghali ó sa gabi, sa man~ga oras na iyan ay ¿macailang cayang magtama nang mata, macailang magsasarilinan nang salitaan? Pagca nagca gayon na,i, daan na nang pagcapahamac; sapagca,t, ang pagtitin~gnan at ang pagnanasa nang masamá, ay di nagcacalayó, ang uica Páhiná 105ni San Gregorio Nazianceno[33] Ang uica nang Dios Espiritu Santo,i, bago dumating ang saquit ay lagyan nang cagamotan:[34] ay ¿saan caya naroon ang bait nang isang ama ó ina, na nagpapahintulot na sa canilang bahay ay tumirá ang isang binata, sapagiimbót nang suyô? ¿di ang cahulugán nito,i, sila rin ang cumiquita nang daan at pan~ganib, na icapapahaman nang puri nang canilang anac na dalaga?

Di naman catampatang magpita nang salapî ang isang magulang sa lalaqui, sapagca,t, bucód sa ibinabaual nang Superior Gobierno at nang Señor Arzobispo D. Fr. José Seguí, ay itinutulad sa hayop ang canilang anac, na pinagbibili sa lalaqui. Di rin naman catampatan, na magparinig na nagcacailan~gan nang salapi, at nang houag mapaguicaang masaquim. Bucód dito naman, ay cun magcaayauan, ay hirap na nang pagsisin~gilan, at palibhasa,i, masáquit ang magbayad. Laquing casiraan nang puri nang isang dalaga, laquing cahihiyan nang isang magulang, cun magca hablahan at paghatolan nang isang justicia.

Marami pa at madlá, Urbana, ang masasaysay cong man~ga cahatolan na dapat alinsunurin nang magulang sa pagaalaga sa anac, n~guni at sa pagca,t, aco,i, lalauig na lubha ay ililiban co na sa ibang sulat ang man~ga cahatolang ucol sa magasaua.

Si Feliza, ay may inin~gat na bait na minana sa magulang, umiilag sa pan~ganib, at palibhasa,i, naquiquilala ang caniyang carupocan ang Páhiná 106rosa nang caniyang pagca virgen ay pinaca aalagaan, quinucubcób nang tinic nang pagpapasaquit, dinidilig nang panalan~gin, at palibhasa,i, natatanto yaong uica ni Santa Maria Magdalena de Pazzis, ang calinisan, ay hindi mabubuhay cun di bacuran nang tinic, at di naman mamumulaclac, cundi batbát nang tinic. Caya uala acong sucat maihatol sa caniya, cun di ang ilagui ang loob sa cabaitan, magpasalamat sa Dios at ipinagtangcacal ang caniyang calinisan sa pan~ganib na icasisira, at ang tularan niya,i, yaong calolouang nagpasalamat sa Dios, at ang saysay: aco,i, magpupuring palagui sa iyo, Dios cong nagtangcacal sa aquin, at iniadía mo ang calinisan co sa capahamacan.[35]

Ang man~ga cahatolang ucol sa paglagay sa estado, ay sa susunod na sulat aquing ilalagay. Adios Urbana.—ISANG SACERDOTE

Ang sulat na ito, ina, nitong sacerdoteng hinin~gan co nang hatol, ay inaasahang co na paquiquinaban~gan nang maraming ina, at ni Feliza naman, n~gayong siya,i, dalaga pa, at gayon din naman cun siya,i, maguing ina. Ipagcaloob naua nang Lan~git na mangyari ang iyong magandang nása cay Feliza cun icararapat sa Dios. Aco po, ina,i, humahalic sa iyong camay, gayon din naman cay ama.—URBANA.

Páhiná 107

NovelSmooth

Over 10,000 web novels across every genre, from heart-racing romance to epic fantasy. All free to read online, updated daily.

Genres

© 2026 Novelsmooth. All rights reserved.