CUN TUMANGAP NANG AUA.
Si Urbana cay Feliza—MANILA ...
FELIZA: Tinangap co ang dalaua mong sulat ang isa ay fecha 5, ang icalaua,i, 12, capoua dito sa lumalacad na buan; ay natanto co ang dilang cabutihan ni Amadeo, ang catapan~gan mong lumaban sa isang mahigpit na cahin~gian nang puso ang pagsasacdal mo sa lan~git sa panahon náng pan~ganib ang pagtatagumpay nang cabaitan mo, at ang dilang cahin~gian mo sa aquin.
N~gayo,i, ang sagot co sa iyo,i, magpasalamat ca sa Dios, at ang tularan mo,i, yaong mapalad na haring nagsaysay: magpupuri aco sa Dios, sa toui-toui na: at ang pagpupuri ay di co huPáhiná 97humpayan. Nagsacdál aco sa Pan~ginoon co,i, quinalugdang dinguin ang aquing dalan~gin: at sa caralitaang dumating sa aquin, ay iniadya aco.[22] Icao, Feliza,i, ipinahintulot nang lan~git na malagay sa isang pan~ganib, pinabayaang ipaquipagbacat ang sarili mong lacás, dibdib mo,i, nalagay sa guitna nang digma,i, nagcaalan~gan sa lamuyot na tucsó, at sa hatol nang cabaitan; n~guni pagtauag mo,i, agad cang dinulóg at ang caloloua mong lumagui sa hirap, ay sinaclolohan, inalis sa dusa, biniguian nang lacás at caguinhauahan; tingni, capatid co cun di ang catamisan nang Dios, na ibinabalita nang haring Profeta ay naranasan mo.[23] Hin~gin mo cay ina, Feliza, ang sulat co sa iyo, at diyan mo matatalós ang magandang hatol na hinihin~gi mo, Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.—URBANA.