Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza (Tagalog) Chapter 31

SA PAGLAGAY SA ESTADO


Isang Sacerdote cay Urbana.


URBANA: Sa sabi mo sa aquin na si Feliza ay nagcacailan~gan nang man~ga cahatolang ucol sa pagtanggap nang Santo Sacramento nang MatrimoPáhiná 109nio, minatapat cong isulat sa iyo at nang maipabasa mo sa caniya ang man~ga santong hatol, na sinipi co sa isang libro. Dito sinasaysay ang man~ga bagay na quinacailan~gan nang magsisipagasaua na ipagcacamit nang capalaran, at pagcacasundo nang esposo,t, esposa.[39]

Ang una-una,i, cailan~gan, na ang esposo,t, esposa,i, magcaparis nang uri at caugalian. Ang icalaua,i, ang pagiibigan. Ang icatlo,i, ang pagibig ay malagay sa catamtaman. Ang icaapat ay ang pagcacatiualaan nang loob. Ang icalima,i, ang babaye ay houag mapacalubha ang yaman sa lalaqui. Ang icaanim, ang edad ay magcaparis. Ang icapito, ang cagandahan nang babaye na hahanapin ay caiguihan lamang at huag lumabis. Ang icaualo,i, capoua mauilihin sa catahimican at mailaguin sa masasamang pagsasayahan. Ang icasiyam ay huag maiguin sa sugal na baual at malacas. Ang icasampo ay huag maramot at huag náman sambulat. Ang icálabing isa,i, capua banal at may tacot sa Dios. Ang icalabing dalaua,i, masipag at capua caauay nang catamaran. Ang icalabing tatlo,i, matanguihin sa pagcamamariquit. Ang icalabing apat ay loob na timtiman at mapagtiis nang hirap.

Cun ang lahat nang ito ay taglay nangsisipag asaua ay capilitang magcacasundo, ang uica Payo at panununtunan nang magandang capalaran. Cailan~gang magcaparis sa pagca ualang capayapaan, cundi magcagayon. Ang uica nang pitong pantas sa Atenas: ang babaye ay humanap nang caparis Páhiná 110at gayon din ang lalaqui.[40] Ang lalaquing nagasaua sa babaeng mahal pa sa caniya ay di esposo ò asaua cundi alila ang casacapitan at parang humahanap lamang nang caniyang infierno. Gayon ang uica ni Flutano, Huag mong papag samahin sa pagaararo ang baca at asno, ang uica nang Dios sa santong sulat,[41] sapagca,t, sa di pagcacaparis nang canilang lacas at ugali, ay di naman magcacauasto sa paggaua.

Ang icalauang quinacailan~gan, ay ang pagibig, pagca,t, cun may pagibig, ang anomang hirap ay pagcaca-isang bathin, at mabigat man sacali,t, pinagtutulun~gan ay mamagaanin. Cun may pagibig, anomang masapit ay di maghihiualay. N~guni,t, cun ualang pagibig, ang munting hirap ay di matitiis, ang uica ni San Agustin, at palibhasa,i, di nagcacatulong nang pagbabatá.

Ang icatlong cailan~gan, ay ang pagibig ay houag lumabis, sapagca,t, cun lumabis, ay pan~ganib na mahulog sa catacot-tacot na panibughó. Pag ang alin man sa dalauá ay maguing panibughoin, malin~gat lamang sa matá nang asaua, ang acala,i, naglilo na; lumurá lamang sa durun~gauan, pinagbibintan~gan na may causap. At ang guinasasapitan ay ang magasaua,i, parang na sa infierno. Ang naninibugho,i, parang, isang verdugo sa panibughoin. Gayon din, naghihirap ang ipinaninibughó, sapagca,t, nasasactán ang loob sa paglililo na ipinagbibintang sa caniya. Caiin~gat ang magasaua sa panibughó, sapagca,t, Páhiná 111nagpapamatá sa masamá. At cun ang isa,i, mapunó na ay niuiuica sa loob na caniyang titiquisin.

Ang icapat na cailan~gan ay ang pagpapalagayan nang loob, gayon ang uica nang haring pantás sa babayeng timtiman na pinagcacatiualaan nang puso nang caniyang esposo,[42] n~guni nacasisira rin naman ang malabis na pagcacatiuala sa asaua. Cun di nagca gayon si Samson cay Dalila, di disin nahulog siya sa camay nang man~ga filisteos, di disin napahamac ang caniyang buhay.

Ang icalimang cailan~ga,i, ang babaye ay houag yumamang lubha sa lalaqui; sapagca,t, cun magca gayo,i, ang babaye ang maguiguing lalaqui at ang lalaqui ang maguiguing babaye. Marami ang napapahamac na pagaasaua, sa pagca hindi esposa cun di pilac ang hinahanap.

Ang icaanim na cailan~ga,i, ang edad ay magcaparis; sapagca,t, cun magcacahiguitan nang malaqui, ay magcacaroon man nang pagibig, marahil ay di lumagui at cung magca gayo,i, mauauala ang pagcacasundó, at cun samain pa nang palad ay mararamay pati nang pagtatapat nang loob. Ayon sa bagay na ito,i, marami mang bagay na sucat masaysay ay hindi mangyari, at masisinsáy sa calinisan.

Ang icapitong hinihin~gi ay ang cagandahan nang babaye ay malagay sa caiguihan sapagca,t, cun lumabis, marahil ay di matahimic ang lalaqui sasaguian nang agam-agam na sa caramihan Páhiná 112nang nalulugod sa caniyang esposa ay baca siya paglilohan. Gayon ang sabi nang daquilang Sacerdote nang Santa Iglesia na si San Juan Crisostomo.[43]

Ang icaualang cahin~gia,i, ang magasaua,i, capua maibiguin sa catahimican, nang di ang lalaqui man~gamba sa caligaligan nang babaye at nang di ang babaye caya naman ang maghinala sa lalaqui cun maquitang ualang palagui sa bahay at pagalagala, lalo,t, cun palabiro at mapag aglahi. Ito,i, tagubilin nang isang pantas sa Grecia.[44]

Ang icasiam ay capua umilag sa sugal sapagca,t, ang viciong ito ay pangsira nang pagaari, mula nang pagaauay nang magasaua, iquinalilimot sa Dios nang pagtupad nang catungculan nang pagca cristiano, nang pagcacalin~ga sa pamamahay, nang pagaral sa anac; at cun ang babaye ang matutong magsugal, ay lalong malaquing casiraan nang matrimonio. Maraming lubhang casaman ang napapaquinabang sa sugal. May isang babaye na mauilihin sa sugal, na maguing ilang oras man sa laró, ay di naiinip, at palibhasa,i, malaqui ang pagcaibig. Sa guinayon-gayon ay di dinatnan nang saquit. Gayon man ay di pinapansin at nagsugal din. Isang gabing na uupo siya sa sugalan, caraca-raca,i, sumuca siya nang dugó, inabot nang camatayan. Ang caniyang vicio ay sugal, sugal ang ipinagcasaquit, sugal ang iquinamatay. Sucat pang hinuhaan nang maibiguin sa viciong ito.

Ang icasampuong cahin~gian, ay capoua hindi masaquim sa salapi at di naman sambulat. Ang cailan~gan ay bait na icaquiquilala nang panahong tapat na ipagimpoc, at panahong ipagpapaquita nang magandang loob.[45] Ang Páhiná 113masaquim sa salapi ay salat sa pagibig sa Dios, at malupit sa capua tauo; at ang di marunong magsimpan naman, ay malapit sa paghihirap.

Ang icalabing isang cahin~gian ay ang tacot sa Dios sapagca,t, pinagpapala nang Lan~git. Ang uica nang Dios Espiritu Santo,i, ang calolouang may tacot sa Dios, ay hinahanap at pinacamamahal at pagpapalain naman nang Dios.[46] Ang Dios ang canilang pinananaligan na magtatangcacal sa canila,i, ang mata naman nang Dios ay parating lin~gap sa nananalig at umiibig sa caniya.[47] Mapalad ang magasauang may tacot sa Dios mapalad sa canilang pagsasama, mapalad sa man~ga anac, mapalad hangang sa ca-apu-apuhan.

Ang icalabing dalaua,i, ang casipagan. Si Adan at ni Eva ay linalang nang Dios at paraisong puspós nang toua ang pinaglagyan sa canila, n~guni pinagutosan din na bagbaguin ang lupang iyon, at nang may pagca liban~gan.[48] Ang babayeng hinahanap at pinupuri nang haring Salomón ay ang may inin~gat na bait,[49] di ang may cagandaPáhiná 114han at palibhasa,i, madaling lumipas,[50] cun di ang may cabanalan at may cabaitan, na sucat pagcatiualaan nang puso,[51] camahala,t, puri nang isang esposo, at dilang cayamanan na sa caniya,i, ipinamamahala nang dilang casipagan na di ang quinahihinguila,i, ang maghiyas at magpamuti nang labis na di nababagay sa caniyang calagayan cun di ang magca in~ga sa pamamahay, humanap nang lino at balahibo nang tupa na hinahabi,t, itinatalaga sa esposo at man~ga casambahay, dili cumain nang tinapay na di pinagpaguran;[52] ang babaeng itong caguilaguilalas na naghihiyas nang puri at cabaitan[53] at dilang cabutihan na sucat taglayin nang esposa at ina ay pinanguilalasan nitong pantas na hari at nauica na ualang caparis sa lahat nang babayeng anac sa Jerusalem.[54] Ang babayeng ito ay parang corona nang esposo, at palibhasa,i, iquinararan~gal sa bayan at parang camahalang taglay nang caniyang pan~galan na iquinatataas nang caniyang puri sa guitna nang caguinoohan.[55] Ang ganitong esposo ay capilitan mamahalin nang caniyang esposo at cabubuhosan nang boong pagibig pamimintuho,t, paggalang nang caniyang man~ga anac, at capalad-palaran ang ibabansag sa canilang ina.[56] Caya sa Páhiná 115panguiguilalas nang haring Salomon, ay ipinagtatanong cung sino ang maca quiquita nang isang babayeng timtiman, na ang camahalan ay higuit sa camahalan nang lahat nang cayamanan sa mundó:[57] Mapalad, ang uica nang Dios Espírito Santo, ang lalaqui na may asauang banál.[58] Mapalad sa canilang pagsasama, mapalad sa canilang pagaanac, mahal hangang sa caapuapuhan. N~guni ang capalarang ito sa caraniuán, ay di ipinagcacaloob nang Lan~git, cun di sa lalaquing may inin~gat na cabanalan.[59] Caya ang babaye,t, lalaqui, magcaca-asaua, ay dapat capoua magtaglay nang casipagan, cabaitan at cabanalan. Sa catagáng uica,i, magsising isa magandang asal at nang magsising-isa naman sa magandang palad.

Ang icalabing tatlo, ay houag maibiguin sa malabis na pagmamariquit. Ang isang dalaga na nagnanasang magasaua, ay nauucol na magdamit nang mabuti at malinis, n~guni itutuntóng sa guhitt, sapagca paglumabis, ay maooui sa caparan~galan at pagpapa-ibig. Bucód dito nama,i, ang isang dalagang butihin ay sucat catacutan nang baguntauo, sapagca,t, ang uica ni San Basilio, ay cahit ang pilac ay maparis sa agos na pumapanhic sa bahay, ay madaling mauhos nang babayeng butihin, at sucat icapahamac nang isang lalaqui. Si Salomón ay hari na maPáhiná 116yaman at marunong, minamahal nang bayan nang siya,i, bagong maghari. N~guni nang ang caniyang puso ay mabihag at alipinin nang man~ga babayeng butihin sa caniyang palacio, ay nabighaning sumambá sa man~ga idolo, sa pagbibigay loob. ¿Ano pa ang nangyari? Quinapootan nang bayan, dahil sa napilitang pinasaquitan ang caniyang caharian nang matataas na buis, at nang masunód ang masasamang cahin~gian nang mapagmariquit na man~ga babaye na inaalagaan. Sa lalaqui di ucol din naman ang magmariquit nang labis sa caniyang catauan at sa pamamahay; sapagca,t ipaghihirap nang asaua,t, anac.

Ang icalabing apat na cahingian ay ang babaye ay tahimic at matiisin. Ang mundó ay bayan nang dálita, na may hirap na titiisin sa magulang, may asaua,t, sa anac at dilang casambaháy. Cun ang babaye ay ualang loob na timtiman, na ipagtitiis nang hirap, ay ualang caguinhauahang cacamtan sa pagaasaua. Sapagca,t, di matutong magpuno sa pamamahay, at di maca sundó nang caniyang esposo. May man~ga babaye na cun titingnan ay naca guiguilio, at masayá ang muc-ha, at sa paquiquipagcapoua tauo ay cagandahang loob ang ipinaquiquita, n~guni sa munting, masira ang caibigán, ay ipinahahalata agad ang tinagong casamán. Ang mata,i, nanlilisic, ang in~gay nang bibig ay para nang sa campana, ang tinacáp-tacap ay parang manóc na putaquin, sa bibig ay nananambulat ang tun~gayao na anaqui,i, apóy sa himpapauid: ang man~ga babayeng ito,i, saan caya natin maipaghahalimbaua, cundi sa putacti na masaquit Páhiná 117sumiguid, sa man~ga olopong na may tinagong camandág na talagá sa apóy sa infierno. Gayon ang uica nang ating P. J. C.: ¡oh lahi nang ahas at man~ga olopong! ¿papaano cayang macaliligtás cayo sa apóy sa infierno ó sa galit nang Dios, na nagbabalang magparusa sa inyo?

Pang-hinuhahan nang man~ga babaye ang parusang ibinibigay nang Dios sa isang babayeng palatun~gayao sa Cataluña, na sinalitá nang Señor Obispo D. Antonio Claret. May narinig, aniya aco, na isang babaye na nagtutun~gayáo, ay pinan~garalan co. Sa pan~gan~garal co i, tumahimic na saglit, n~guni nang málayo aco,i, umulit na naman. Dito,i, catacot tacot ang nangyaring parusa nang Dios. Namagá ang díla nang labis, na di macasiya sa bibig, nan~gin~ginig, at humihin~gal na tila malalagót ang hinin~ga. May tumauag sa aquin at nang mapa compisalán co, itong caaua-auang babaye; n~guni, ¡oh masamang capalaran! Hindi na nacapan~gusap, at di co naman naquitaan nang tandang pagcacaquilanlan nang caniyang pagsisisi.

Ito, Urbana, ang nacayanan nong sinipi sa man~ga casulatan na man~ga santong hatol, na ucol cay Feliza, sa iguinagayác nang loob na pagtangáp nang Santo Estado. Paquinaban~gan na na niya. Adios, Urbana—ISANG SACERDOTE.

Cun icao, Feliza, ay macapagtitiis nang hirap, macayayacap sa mabigat na cruz na pinapasán nang isang babayeng may asaua: uica co sa iyo,i, tangapin mo itong mabigát na pasán. Cun ang lahat na cabutiha,t, cabanalang hiyas nang isang babayeng timtiman na hinahanap ni Salomón at pinupuri nang Dios Espíritu Santo, Páhiná 118ay di mo man iniin~gatan at nasusunód, ay pagsasaquitan mong sundin: uica co sa iyo,i, tangapin ang Santo Sacramento nang matrimonio. Cun si Amadeo,i, may inin~gat na bait, may tacot sa Dios, na para nang sabi mo, macapagbibigay sa iyo nang magandang halimbaua; cun icao,i, marapa ay maibaban~gon ca: cun mapasinsáy ca sa daang matouid ay maipapatnugot ca: cun inaacala mo na matimpi ang loob na maca pagtitiis nang taglay na hirap niyang mabigát na estado; cun nararamdamán mo na marunong magparaan nang mumunting casiraan at capintasan, na pilit maquiquita sa isang esposa, at palibhasa,i, babaye; cun naquiquilala mo, na ang caniyang ugali ay dili malupit cundi mabanayad at ang casiraan at capintasang taglay, palibhasa,i, tauo ay mapararaan mo: paganhing saysayin, cun nahahalatá mo na cayong dalaua,i; maca pagtitiisan, at ang mabigat na cruz, na cun sarilining pasanin ay di macacayanan, at cun pagtulun~gan ay mamagaanin: hatol co sa iyo ay ipahinuhod cay ina ang calooban mo sa caniyang calooban na si Amadeo,i, maguing esposo mo. Caya ang mabuti ay magmasid muna at magtanong tanong. Feliza ang Dios naua,t, si Guinoong Santa Maria, ang tumulong sa iyo. Adios, hangang sa isang sulat.—URBANA.

Páhiná 119

NovelSmooth

Over 10,000 web novels across every genre, from heart-racing romance to epic fantasy. All free to read online, updated daily.

Genres

© 2026 Novelsmooth. All rights reserved.