NI FELIZA SA ISA NIYANG CAIBIGAN
Si Feliza cay Urbana.—PAOMBONG ...
URBANA: Basahin mo ang sulat nang isa cong caibigan na casama nito. Nabalitaang co na siya,i, caquilala at capit bahay ni Amadeo, caya siya ang pinagtanon~gan co, cun sa caasalang naquiquita niya sa baguntauong ito, ay maihahatol niya sa aquin na ipahinuhod co ang aquing loob, na maguing esposo co.
Isang caibigan ni Feliza
FELIZA: Sa cahin~gian mo na saysayin co sa iyo ang caasalan ni Amadeo, di mo man sinabi ang puno,t, cadahilanan, ay nahulaan co ang laman nang pusó mo. Dinguin mo ang aquing salitá:
Ang bilang nang panahon nang pagca tauo ni Amadeo ay labis nang dalaua sa edad mo n~gayon na labing anim. Natanto mo na siya ay tubo sa liping guinoo; ang magulang niya,t, magulang co naman ay magcacaibigan, caya ang canilang pagcacaquilala at pagcacasundo ay aming minana naman ni Amadeo, na aquing capoua bata. Di mamacailang nacacasabay co nang cami,i, musmos pa sa pagsisimba, at pagpa sa escuela, cayá ang madalas ay na pagtatanon~gan co nang di co narurunun~gan sa lecciong ibinigay sa aquin nang Páhiná 120maestra. Ang caniyang cabaitang cacambal nang pagca bata, ay di tinalicdan, cun di pinaibayuhan, n~gayong lumaqui na. Loob ay matipid, marunong maquiramdam sa capoua bata; hindi naquiquipag-ibigan cahima,t, can~gino, cun di sa naquiquilalang may tacot sa Dios: Dinguin mo ang sinasalitá niya sa aquin na napahamac na bata, dahil sa maling pagiibigan, na caniyang nabasa sa isang libro ni San Alfonso de Legorio.[60]
May isang batang may loob sa Dios, mauilihin sa pagcocompisal at paquiquinabang, na sinabi nang caniyang confesor na di nagcasala nang daquila, mula nang magca loob. Isang arao na siya,i, naglilibang, nacatagpo nang isang masamang bata, na nacasira nang caniyang cabanalan. Ualang málay malay sa pagcacasala, ay tinuruan nang paraan nang malupit na batá, sa paggauá nang masamá. Nang siya,i, maoui sa caniyang bahay, dumating ang gabi,i, guinauá ang natutuhang casalanan.
¡Oh di sucat malirip na justicia nang Dios! Nang gabi ring iyon ay dinatnan nang camatayan sa pagcacatulog. Nang quinabucasang maquita nang ina,i, patay ang anac, ay ualang pagcasiyahan nang calumbayan, dahil sa pagcamatay na biglá, at di pagcacompisal nang caniyang anác. Ipinatauag na madali ang confesor, at ipinahayag ang caniyang agam-agam. Ang sagot nang confesor, ay huag ca, aniyang man~ganib, at ang anac mo ay di nagcasala cailan man nang daquila; gayon man aniya,i, ipaghahaing co siya sa Dios nang Páhiná 121Santo Sacrificio nang misa, upan ding macacauas siya sa hirap sa purgatorio cun doo,i, may pinagdurusahan. Lumacad nang madali sa sacristia ang sacerdote, at gumayac, sa pagmimisa. Nang siya,i, pasa sa altar na, ay nacaramdam na sa caniyang licoran ay may humahauac sa casulla,t, ayao siyang palacarin. Nang caniyang lin~gonin, ang naquita ay isang caquilaquilabot na anino, na anyong tauo na nan~gusap; huag mo aniya, acong ipagmisa, at aco,i, nagdurusa sa infierno. Sa uicang ito,i, sabihin ang pagcamaang nang sacerdote. ¿Di baga, aniya, ang sabi mo sa aquin nang icao buhay pa,i, di ca nacagaua nang casalanang daquila? Oó, ang sagót nang caloloua, hangang sa cahapong aco,i, tinuruan nang masamá. Capagca gauà co nang casalanan, ay tinambin~gan aco agád nang parusa.
Ito ang dahilan, Feliza, nang pagilag ni Amadeo sa masamang pagiibigan, caya malayong malayo, at ilág na ilág sa man~ga batang hilig sa calupaan. Di naquiquipagpulong sa man~ga lansan~gan at sa pagiinoman.
Sa umaga, bago patun~go pa gagauin, ay nagsisimba muna at ang sinusunod yaong hatol nang ating P. J. C. sa Santo Evangelio. Hanapin muna ninyo ang caharian nang Dios, at ang lahat ay maquiquita ninyo.[61] Capagcatapos, ay napatutun~go sa caniyang sasahan, pinaquiquialaman. Cun macaquita nang i-asusucal nang loob sa man~ga upahan, ay di maca bitiu nang uicang di matuid, di nanampalasan at di linilimot na ang pan~ginoon at alila, ay iisa rin sa mata nang Dios. Páhiná 122 Cun nagsasaca nang caniyang buquid, cahima,t, ang hayop ay dili matumpac, nang paggauá, at naglilibang-libang, caraca-raca,i, hahanap nang lihim na lugar, nagpapasi-pacial, ang mata ay sa lupa,t, hindi nan~gun~gusap. ¡Oh Feliza! cun maquita cong gayon, ay naalaala co si Isaac, na naquita ni Reveca, na nagpapasial sa cabuquiran at nagdidili-dili.
Cun naquiqui umpoc sa man~ga binata si Amadeo,i, nacan~giti lamang dili mapanulos na maquipaghambogan, di naman pulaan yaong man~ga baguntauong nan~gagcacamali, diyan ipinaquiquita ang caniyang carunun~gan na maquipagcapoua tauo, na pinagaralan sa magulang. Cun may magpahamac na baguntauo, na maguica sa caniya na nagbabanalbanalan, dahilan sa naquiquitang cabaítan, at malimít na pagpasoc sa Simbahan, ay di mabuyong magalit, sumagot man ay banayad, di magdalang poot sa carohaguinan. Ay at tila naquiquita co yaong mabait na baguntauong nan~gusap: aco,i, isang baguntauo na inaaglahi at dinudouahagui, gayon ma,i, ang man~ga utos mo, Dios co,i, di co rin linilimot.[62] Paganhing saysayin dito sinasalita co sa iyo,i, matatantó mo ang pagibig sa Dios at cabaitan, ang carunun~gang maquipagcapoua tauo, mapagtiis nang hirap at carouahaguinan sa mundo na tínataglay ni Amadeo.
Aquing nasambit sa iyo na sa tanong mo sa aquin, ay natanto co ang laman nang puso mo. N~gayo,i, dinguin mo naman yaring ipahahayag co, Páhiná 123na di man sagot sa tanong mo, ay ucol na hatol sa nabasa cong puso mo. Si Isaac ay mabait, mabanayád ang asal; di ipinahintulot ni Sara, na cániyang ina, na magasáua sa, man~ga babaye na taga Canaan, na palalo,t malupit, cun di cay Reveca, na tubo sa caniyang angcan na marunong matacot, mamintuho,t, cumilala sa Díos. Itong guinauá ni Sara, sa caniyang anac na lálaqui na sinalita co sa iyo,t, nang pagcunan mong uliran, yayamang naquiquitaan mo si Amadeo nang cabaita,t, cabanalan. In~gatan ca naua nang Dios, Feliza, at naghihintay namang pagutusan itong iyong—CAIBIGAN.
Sa ganitong balita, Urbana, nang isa cong caibigang tapat na loob; sa man~ga pahayag ni ama ni ina at iba pang camaganac natin, ay sinaysay co cay ina, na pumapayag na aco, na si Amadeo,i, maguing esposo co. Di co na sabihin sa iyo ang man~ga nangyaring ualang cabuluhan, bago cami nacasal. Sa arao na ito dumulog cami sa altar, tinangap namin ang Santo Sacramento nang matrimonio, aco,i, nan~gaco sa harap nang Dios at ng sacerdote, gayon din naman si Amadeo na aco,i, maguing esposa niya, at siya,i, maguing esposo co. Adios, Urbana, at hinihintay co na icao,i, sumulat sa aquin.—FELIZA.
Páhiná 124