NANG ISANG MAGULANG SA MAN~GA ANAC
BAGO PUMANAO SA MUNDO.
Si Feliza cay Urbana.—PAOMBONG....
URBANA: Igayac mo ang loob mo sa pagtangap nang isang balitang mapait sa loob, at ang pag cunang halimbaua yaong sumo sacerdote na binalitaan ni Samuel na pag dadalhan nang Dios nang maraming hirap; siya ang Pan~ginoon co,i, gauin ang minimatapat sa caniyang man~ga mata.[99] Mumulang co ang salita.
Si ama nang á las siete nang umaga, na nangaling sa pag sisimba ay natisod sa lansan~gan, narapá ay nabalian sa dibdib. Capagcarapá ay dinampot co,t, aquing quinalong. Di co masabi sa iyo ang dinamdám cong dalamhati nang na sa aquing candun~gun na. Aquing namasdan na napipiquit ang matá, ang dibdib ay nag tatahip, hinahabol ang hinin~ga, cataua,i, nalulun~gayn~gay at di macáyanan. Gayon man ay tinapan~gan ang loob, nag pilit cumilos at tinaponan aco nang sabing caalio-alio: huag cang matacot anac co at ito,i, lilipas din. Sa salitang ito,i, ang naisagot co,i, isang buntong hinin~ga at isang patac na luhang tumama sa noó ni ama. Siya namang pag dating ni ina at ni Páhiná 150Honesto, pinag tulun~gan namin binuhat, at inioui sa bahay. Dito co na nahalata na tayo,i, man~gun~gulila, na hindi nalaon nang pagca higá sa banig at naparaing na masaquit ang ulo, nag sisiquip ang dibdib, inaapóy nang lagnat at nang hipoin co ang camano ay naramdaman co na gulong-guló ang pulsó. Nang á las seis nang hapon cami ay tinauag na lahat sampuo ni Amadeo, at sa ami,i, nag pahayag: ang tauo ang uica,i, nan~gin~gibang bayan dito sa lupa,[100] at hangang nan~gin~gibang bayan ay dinaratnan nang susong susong hirap; na cucubcób nang pan~ganib, na cun di tibayan ang loob ay ipag cacasala sa Dios. Cun malapit nang matapos ang caniyang pan~gin~gibang bayan, mahahan~go na sa hirap, maliligtas sa pan~ganib at macapapanood sa Dios, ay di dapat mahapis cun di matoua. Ang caloloua co,i, malapit nang maalis sa catauan cong masiquip na bilangoan, ay nagcacamit nang toua at naca ririnig nang magandang balita na pa sa sa bahay na nang Dios.[101] Caya ang carampata,i, cayo,i, maquiramay sa quinamtan cong tua, at cahiman at aco ay pumanao sa mundo ay di co ring cayo lilimutan sa harapan nang Dios.[102]
Nang matapos itong masaysay ay ginin~ging siya,i, pacompisalan, at nang maca pag compisal ay gumayac naman sa paquiquinabang. Nang marinig na ang tugtog nang campana sa pag labás nang Páhiná 151Viatico, ang catauan ay sumigla, nag bago nang lacas, sa muc-ha,i, nag ningning ang isang cauili-uiling saya, na anaquin baga,i, hindi mamamatay sa saquit na iyon. N~gunit, naquilala co na ang siglang iyon at caligayahan na hindi cabati nang caniyang mabigat na saquit, ay di ang pinag cadahilana,i, ang siya,i, maca tauid pa cun di ang pag dating nang sinisintang Dios, na sa caniya,i, dadalao. Marahil Urbana,i, na aala-ala mo pa na madalas na pan~ganlan ni ama na Sacramento nang pag ibig, sang-la nang pag ibig ang casanto-santosang Sacramento sa Altar caaya ayang bansag na caniyang namana cay Santo Tomás de Aquino Doctor nang Santa Iglesia at Angel sa pag ibig,[103] caya sa oras na ito ay pauang pag ibig sa Dios ang caniyang ipinaquita. Nang maquita na ang Sacerdoteng may dala sa mahal na Sacramento, ay nag pilit lumuhod, na paalalay cay Honesto,t, sa aquin, at nang maluhod na ay aming narinig na sinambit yaong cay San Bernardo; tingni,t, narating na ang aquing casi. Nang maca paquinabang na ay nag pasalamat sa Dios at hinin~gi sa amin na siya,i, ihiga oli. Nang masangcapán nang Sacramentong Extremauncion ay pinapag daop ang camáy, ibinabá ang matá at hinin~gi cay Honesto na ipamuno sa caniya itong maicling panalan~gin.
¿Ano caya bagá Dios co ang igaganti co sa iyo sa lahat nang anang ipinagcaloob mo sa aquin?[104] Páhiná 152 N~gayon tinangáp co ang mahal na Caliz na cabuhayan co,[105] ay sasambitin co at pupurihin ang iyong pan~galan, at sa oras na ito nang pag panao sa mundó ay inaasahan co na ipag tatangól mo aco sa man~ga caauay co.[106].
Icao caloloua,t, boong catauan co,i, mag pasalamat sa Dios, at ipag bunyi,t, purihin ang cagalang-galang na caniyang pan~galan.[107]
Icao caloloua co,i, mag handóg nang puri sa Dios, at houag mong limutin ang di maisip na caniyang ipinagcaloob sa iyo.[108]
Ang Dios ang nag patauad sa iyong man~ga casalanan, at ang dilang saquit mo,i, guinagamòt, niya nang caniyang aua.[109]
Ang ganitong pag papala mo sa aquin ay isinisiualat nang caloloua co sa sang daigdigang pinaghaharian mo, at inaanyayahang con mag puri sa iyo ang boo mong quinapal.[110]
At sa oras na ito nang aquing camatayan ay houag mong ipahintulot na magahis ang caloloua co nang man~ga demonio, caya ipinag tatagobilin co sa man~ga camay mo yamang sinacop mo nang mahal mong dugó, oh Dios na Pan~ginoong co.[111] Páhiná 153 Nang matapos siyang magpasalamat sa Dios, cami ni Honesto ay linin~gon at pinan~garalan; hangang cayo,i, nabubuhay man~ga anac co houag ninyong limotin ang tacot sa Dios, at inyong itanim sa dibdib yaong cauili-uiling auit sa Dios ni Guinoong Santa Maria: ang aua nang Dios ay ilinalagui sa may tacot sa caniya, hangang caapo-apohan.[112] Caiin~gat sa pagcacasala, at nga~yong aco,i, lilipat na sa isang buhay ay ang cabilin-bilinan co,i, cun aco,i, naquitaan ninyo nang masamang halimbaua, ay houag tularan, ihin~gi ninyo aco nang tauad sa Dios at nang aco,i, patauarin naman, at naquitaan ninyo aco nang magandang gaua ay inyong pagcunang uliran. At hangang nabubuhay cayo,i, houag macalilimot sa Dios caiin~gat na mahulog cayo sa casalanan.[113] Cun itong man~ga huling bilin nang mamamatay ninyong magulang cun marápat na macapanood sa Dios, ay di co cayo lilimutin, at magmula sa lan~git ay igagauad co dito sa inyo sa lupa ang aquing bendicion. Nang matapos itong maipan~gusap ay binuhat ang canang camay, pinahalic si Honesto,t, aco, at cami binendicionan.
Nang mabendicionan cami, ay ang saysay: ang caloloua co, Dios na Pan~ginoon, ay nagnanasa nang manood sa iyo, nagdaramdam nang uhao; para nang paghanap nang uhao na usa sa bucal na tubig.[114] Nang maipan~gusap ito ipiniquit ang mata,t, siyang pagcalagot nang hinin~ga. Páhiná 154 Si ina, Urbana ay ualang pagcasiyahan nang dalamhati, palaguing na sa suloc, ayao tumiquim nang canin, at ualang sariling lacas na ipagtiis nang hirap nang pan~gon~golila sa isang esposong hindi nacapagbigay sa caniya nang munti man lamang dalamhati. Si Honesto,i, tumatan~gis, dinaramdam ang caniyang pan~gon~golila sa panahon nang cabataan, n~guni,t, di maquitaan nang labis na pagpipighati hindi maringan nang ulol na pa nambitan, marunong magtipid at ang cabaitang taglay ni Honesto na caniyang pan~galan ay siya ring ipinahahalata.
Icao capatid co, ay ipinagbilin ni ama cay ina,t, sa aquin na houag cang pabayaan, houag panghinayan~gan ang caonting salaping guinugol, ipamanhic sa iyo na cun mamatapatin mo,i, pumasoc ca sa isang Beaterio, tumalicod sa mundò, ipan~gaco mo sa Dios ang calinisan hangang sa camatayan. At ang uica niya,i, ang man~ga panalan~gin mong malinis na para nang isang vírgen, ay inaasahan niya na aaquiat sa Lan~git na para nang inciensong haharap sa Dios, icaguiguinhaua niya doon sa isang buhay at dito sa lupa,i, ipag cacamit nang magandang pag papala nang Lan~git nang caniyang maiiuang familia.[115] Bilin pa sa amin na houag ibalita sa iyo ang caniyang pagcamatáy, cun di cun siya,i, malibing na. Gayon ang bilin, at nang houag ca nang parini, at nang di na pagca abalahán, at nang di naman macasira sa loob mo. Cun ano ang bilin ay siya co namang sinunód. Páhiná 155 Sa pag cacasaquít ni ama, sa pagca burol, at paglilibing, marami ang nag si dalao, naquiramay sa aming hapís, marami rin naman ang quiquilalaning utang na loob sa canila, n~guni sa caramihan nang dumalao, ay dili naualán nang tauong cun di nasansala, ay nacaguló disin sa may saquit. Marami rin naman ang di nacararamay sa hirap, cun di sucat dising maca pag bigay galit, dan~gan ang cami ay nag hahauac nang loob. Di co na paca saysayin sa iyo,t, yamang na aaninao mo, at nang di naman nacarurun~gis pa sa sulat na ito. Adios, capatid co alalayan nauá nang Lan~git ang mag durusa mong dibdib.—FELIZA.