SA PAG AYON SA CALOOBAN NANG DIOS
Si Urbana cay Feliza.—MANILA ...
FELIZA: Sa sulat mo sa aquin ay napag tanto co ang mulá nang saquít ni ama sampo nang caniyang pagca matay. N~gayo,i, ano ang mauiuica co sa iyo cun di ang umayon sa calooban nang Dios. Ano pa ang ating gagauin cun di ang alalahanin siya doon sa isang buhay. Ano ang ating iaala-ala sa canyang caloloua, cun di ang pag papasaquit sa catauan, ang pag aayunar, ay Páhiná 156ihandóg natin sa Dios, upan ding icacauas niya sa casalanan, sacali,t, may pinag durusahan pa siya sa purgatorio. Ipag handóg nang santo Sacrificio nang misa sa pagca,t, cun catungculan nang anac ang sumaclolo sa magulang cun dinaratnán nang hirap dito sa buhay na ito, ay lalong daquila ang caniyang catungculang tumulong at sumaclolo doon sa isang buhay.
Ayon sa sabi na si ina,i, nag dadalamhating masaquit, ang hatol co sa iyo,i, ipanalan~gin mo sa Dios na bigyang caaliuan, sa pagca,t, sa Dios at di sa quinapál sucat nating asahan ang caaliuan nang ating caloloua.[116]
Sabihin mo cay ina na dumaramay sa caniyang hapis ang sacerdoteng director co, ipinamamanhic sa caniya na basahin itong casunód na man~ga cahatolan.
Minatapát nang Dios na cunin na dito sa lupa ang caloloua nang iyong esposo, ay ano ang ating uiuicain cun di ang dumating na ang panahong tadhana nang caniyang capangyarihan. Dumating na ang panahón nang pag ganti sa caniyang magandang gauá. Ang Dios ay di nag cacamali, di naca pag daraya,t, di naman napag darayaan. Cun nauucol na damdamin ang pagcamatay nang isang minamahal natin, n~guni nauucol naman na ang loob natin ay iayon sa calooban nang Maycapal, at nang icarapat natin ang pagdaramdam nang hirap. Ang magandang halimbaua na ipinaquita sa atin ni Jesucristong Pan~ginoon ay dapat alinsunurin. Nang gabing Páhiná 157pag tiponan nang di mamagcanong, sáquit ang caniyang dibdib, ay nanalan~gin sa Dios Ama at nan~gusap: houang ang calooban co ang siyang mangyari, cun di ang calooban mo. Ano ang nararapat n~gayon cun di ang pag cunang uliran itong maalam na Maestro, at uicain: houag ang calooban co ang papangyarihin cun di ang calooban mo, Dios co.
Houag uicain, na cun di nagca malí ang médico ay di sana namatày, cun di guinamót nang mahusay, cun pina inóm nang gayon, cun tinapalan nang ganoon, di disin napahamac. Ang buhay nang tauo,i, pag dating sa guhit ay di maca lalampas, at pag dating sa guhit, cahit ang médicong gumamót ay carunong-dunon~gan ay nasisira ang dunong, hindi maquilala ang saquít, hindi matutuhan ang tapal na gamot. Dinguin ang nangyari sa Seraphin sa pag ibig cay Jesús na si Santa Teresa de Jesús.
Nagca saquit nang mabigát ang isang mongja na minamahal niya, sapagca,t, caramay-ramay niya sa hirap.
Isang arao ay nasoc sa silid nang may saquit ang médicong gumagamót, ay naquita nitong santa na pinipirin~gan sa matá nang isang Angel. Dito niya naquilala na cun ayao ang Dios, ang médico,i, di matutong gumamót sa may saquít, at ualang matutuhang gauin, caya uinica sa loob na dumating na ang capanahonan na ang mongjang iyon ay palipat na sa isang buhay. Caya ualá siyang guinaua cun di ang umayon sa calooban nang Dios. Sino ang iyong tutularan cun di itong mahal na santa. Páhiná 158 Nababasa rin naman sa buhay nang santo Job, na minsan ay may isang nag balita sa caniya: ang lahat mo ang uicang baca at asnos ay ninacao nang man~ga abeos, at ang man~ga tauo mong upahan ay pinag papatay na lahat, aco lamang ang nacatanan at nang sa iyo,i, maca pag balita. Di pa tapós ang salita,t, may dumating namang isa, at ang sabi, ang iyo ang uicang obejas at pastores ay pinanaogan nang apóy na galing sa Lan~git, nasunog na lahat, aco lamang ang naca ligtás at nang sa iyo,i, maca pamalita. Nag sasalita pa siya,i, may dumating namang isa na nag saysay: tatlo aniyang pulutong na man~ga Caldeos ang dumating, ninacao ang iyong man~ga camellos, at pinag pugotan ang man~ga taong nag aalaga, aco lamang ang nacatanan at nang sa iyo,i, maca pag sabi. Di pa tapós ang salita nitong nagbalita, ay may dumating pang isa na nag sabi naman: ang man~ga anac mong babaye,t, lalaqui, aniya,i, nag si cain sa bahay nang capatid na pan~ganay, caraca-raca,i, dumating ang isang bag-yo na galing sa parang, nauasac ang apat na suloc nang bahay, nahapay, nadaganan at namatay na lahat ang anac mo, aco lamang ang naca ligtas at nang sa iyo,i, maca pag sabi. Sa balitang itong capait-paitan, si Job ay nag dapâ sa lupa, nanalan~gin sa Dios at nag saysay: hubad acong lumabas sa tiyan nang aquing ina, ay hubad din namang mananaog aco sa hucay. Dios ang nagbigay, at Dios din ang bumáui: purihin ang cagalang galang na n~galan nang mahal na Pan~ginoon.
Manghinuha, icao at sinomang may hapis dito cay santo Job na uliran nang pag titiis. Hindi Páhiná 159tinun~gayao ang Lan~git na pinangalin~gan nang apoy, na sumunog sa caniyang man~ga obejas; di nag bantang manghiganti sa man~ga Caldeos, na numacao nang caniyang man~ga camellos, cung di ang uinica,i, purihin ang Pan~ginoon Dios. Ano ang gagauin mo naman cun di ang igalang ang matataas na lihim nang Lan~git, umayon sa calooban nang Dios, at di ang umayon lamang cun di ang, siya,i, pasalamatan at uicain: Dios ang nag bigay sa aquin nang isang mabait na esposo, ay Dios din naman ang bumaui; purihin ang cagalang galang na caniyang pan~galan.[117]
Ang man~ga cahatolang ito, Feliza, ay sabihin mo cay ina na ariing balsamo na igamót sa sugat nang caniyang puso, i alio sa hirap nang caniyang pan~gon~golila. Na ulila siya sa esposong tauo, ay may isa naman na lalong caibig-ibig na esposong Dios, na pag uucolan nang caniyang pag ibig, at mag bibigay caguinhauahan sa calaotan nang dusa.
Ayon sa sabi mo, Feliza, na sa nag si si dalao ay may nararapat na quilanlin cang utang ay mayroon din namang na capag bibigay dalamhati, ay parang nahulaan co ang inalilihim mong cahulogan.
Sa nag si si dalao sa man~ga may saquít ay may maquiquita cang tauo na cahan~galan, ó sa caculan~gan nang bati na pinag aralan, caracaraca,i, papasoc sa silid nang nag hihirap, di na Páhiná 160pinag iisip na siya marahil doo,i, maca rarami pa, at sa lugar na maca guinhaua, ay lalong naca pag papahirap, at ang pobreng may saquít ay halos di na maca hin~ga sa dami nang tauo. May maquiquita ca naman na may bumabasa sa tabi nang panalan~gin, at may nag tatauanan sa tabi nang hihigán, nag bibiroan na anaqui baga,i, iyon ang sinadya at di ang pag tulong sa may saquít. Ano ang magagaua mo sa man~ga tauong ito, cun di ang cahabagan mo ang canilang cahan~galan at di carunun~gang maquipag capoua tauo. N~guni di dapat ipahintulot nang isang pinagcacasactán ang gayong man~ga caasalan. Dinguin nitong man~ga han~gal na tao ang sabi sa aquin nang isang naca ligtas sa isang mabigát na saquít: aco aniya,i, dinatnán nang isang saquít na malaot cong dinamdam. Nang aco,i, tumindi na,t, ualá nang médicong gumamót sa aquin, at ang uica,i, ualang pag sala,t, di aco mamamatáy, ang catauan co,i, di co na maiquilos at ang boong asa nang aquing esposa,i, di na aco mabubuhay, ang lahat na salitaan nang aquing man~ga casambahay, cahima,t, bulon~gan ay naririnig co. Sa bagay na ito,i, ¿ano caya ang isasaloob nang isang naghihirap cun naiinis sa tauo,t, naca ririnig nang tauanan? Hindi malayong mapoot sa dami nang tauo, at mag hinala na siya,i, pinag tatauanán. At ang casasapitan ay ang na dalao sa may saquít ay siya ring nag papasaquít. At cun magca bihira,i, siya pang naca tutucsó.
May maquiquita ca namang na pa sa sa bahay nang patáy na may panyóng lucsá at ang baro,i, pulá, ¿ano ang ipinaguiuica sa canila nang man~ga tauong ito? Tulíg. May maquiquita ca namang Páhiná 161anac na nag lulucsá sa magulang o asaua, ay di matagalán nang dalauang buan at inaalis na ang lucsá. ¿Ano ang cahulogán nang ganitong caasalàn? Ayao nang alalahanin ang naualang asaua, at ayao papurihan ang naualang magulang.
Icao Feliza at Honesto,i, ca-iilag sa ugaling ito; tayong mag iina ay mag pulos nang lucsá nang sang taong singcád. At cun mangyayari disi,i, pagca tapos nang taon, ay sundin ang ugali nang di bulág na naciones sa Europa, na isang taon namang hindi sinasalitan nang pulà ang canilang man~ga damit. Ang ugaling ito dito sa Maynila,i, marami ang sumusunód sa man~ga tagalog man. Hamaquin yaong uica nang man~ga ualang pinag aralan, ang lucsa,i, mainit at naca papanglao.
Cun dumalao sa patáy ay iilagan ang tauanan at nang di uicain nang namatayán, di na sila dinaramayan ay inaaglahi pa ang canilang hapis. Ang ipapanhic ay muc hang nag papaquita nang lumbáy at ang ibabati sa may bahay ay uicang pagdamay sa sáquit. Ilagan ang main~gay na pan~gun~gusap, at nang di maan~gat sa pag damay sa hapis na canilang layon. Capootan ang pag bibiroan, at nang di uicaing ualang pinag aralang mahal na asal.
May maquiquita ca namang bahay nang namatayán, na diyan ca maca ririnig nang pag bibiroan nang babaye,t, lalaqui; diyan mo maririnig ang pag sasalita nang catatauanan na sinasabayán nang halac hacan. ¿Ano ang gagauin mo sa man~ga tauong ganito ang asal? May isang nan~gusap: cun ang pag uuriraan ang inyong sinadya sa aquing pamamahay, ay doon Páhiná 162na ninyo gauin sa inyong sarili.
Ucol sa isang cristiano ang pa sa bahay nang isang namatayan, sapagca,t, maca pag didili dili nang caholi holihang darating sa tauo, caya ang uica ni Salomon: mabuti pa ang pa sa bahay nang namatayan, sa pa sa bahay nang piguing.[118] Mabuti rin nama,t, ucol sa paquiqui pag capoua tauo ang dumamay sa man~ga cababayan at caibigan, n~guni cun ang gagauin ay ang pagn~gin~gisihan at iba pang caulolan mahan~gay houag na at nang di sumagap nang masaquit na uica.
Cun dumalao sa man~ga namatayan, ang carampata,i, tumahimic, alalahanin yaong uica nang Pantas, n~gayon ay sa aguin at bucas ay sa iyo, aco,i, namatáy n~gayon at susunod ca naman; ipagdasal ang namatay at aliuin sa hapis ang namatayan. Ang namatayan naman ay di nauucol mag taua, mag n~gisi at mag tabil at nang di uicain na iquinatotoua niya ang pagca matay na iyon.
N~guni cun di carampatan ang mag paquita nang toua, ay gayon din naman ang mag paquita nang hapis na di tinitipid. Ang manambitan nang mahihiyao, ang ipag hampasan ang catauan, ang labnutin ang buhoc at sabayán nang ulol na sabi, ay naca tataua, lalo nang masamang masdan sa lalaqui. Ang nauucol ay mag tipid, at cun di maca pag piguil ay lumigpit sa gilid, at diyan iloual nang lihim ang taglay na hapis, nang may pagca guinhauahan. Páhiná 163 Dalauin mong madalas, Feliza, at gayon din naman si Honesto ang libin~gan ni ama, alalahanin ang magulang natin, at dito sa mundo,i, papurihan mo naman ang caniyang pan~galan.
Aco, Feliza,i, ihalic mo nang camay cay ina, ipahayag mo ang boo cong cagalan~gan at pamimintuho; cayong mag asaua,i, in~gatan naua nang Dios, at gayon din naman si Honesto: Susundin co ang bilin ni ama, aco,i, lalayo na sa mundo. Adios, hangang sa isang buhay.—URBANA